Innocent-Two

2.1K 30 1
                                    

Kinabukasan hindi ko na namalayan kung gaano kahaba ang tulog ko at kung anong oras nako nagising. Pumasok nako sa banyo para makapaligo na rin.

Bumaba nako para makapag breakfast pero malayo pa lang ay dinig ko na ang ingay sa baba na naging dahilan kung bakit binilisan ko pa para marating agad ang pinagmumulan nang ingay.

"Ohh! Look, ate nalie is now awake.Goodmorning" magandang bungad sakin ni ylla my one and only sister.

"Morning. Hi uncle" Binati ko silang lahat at bineso

"Nalie, how are you?" Uncle dan asked me

"Here. Still fine, pretty as well" kibit balikat kong tugon.

"Hahaha oo naman ikaw pa. Nasa bloodline na natin yan eh" natatawang sabi ni uncle.

Sumabat naman sa usapan si mom "Sorry,yan lang kinaya ng genes. Hihihi" pa cute ni mom kay dad na nagbabasa ng magazine.

"Mom your so naughty.Tsk." pagrereklamo naman ni ylla kay mom. Matapos ang mahaba-habang usapan at kamustahan ay nagpaalam na si uncle na babalik na nang province. Hinatid namin sya palabas ng bahay.

"Nalie and Yllana, if you want to visit in our province just call me asap and my door is always open for you" pahabol pa ni uncle na nakasakay na nang kanyang sasakyan.

"Okay uncle dan" sabay naming sagot ni ylla.

"Bye kuya,ingat sa byahe just call me right away when you arrive at your house"Paalam ni mom.

"Okay.thankyou bye"nagpaalam na si uncle dan at tuluyan na ngang nawala sa paningin namin ang kanyang sinasakyan.

-----------------

Nagpaalam muna ako kila mom na maglalakad-lakad muna dahil namiss ko rin ang ambiance dito sa pilipinas kahit ilang month lang kami nagstay sa ibang bansa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya hinayaan ko nalang ang aking mga paa na maglakbay kahit saan ito mapunta.

Mabaho! Maingay! Magulo! Marumi! Makalat! Madaming Tao!

Hindi ko alam kung nasaan ako, ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klase ng lugar shet. Naliligaw na ba ako? Paano ako uuwe? Baka ma'rape ako dito? Tulungan nyo po ako lord na makaalis sa lugar nato ayoko po dito HUHUHUHU. Naramdaman ko nalang na may likido nang umaagos sa mga mata ko at nakaupo na ako sa may isang sulok dahil sa takot na nararamdaman ko, I feel im so helpless right now they havent' care of me. Niyakap ko nalang ang dalawa kong tuhod at yumuko para hindi nila ako makilala buti nalang may dala akong cup at shades.

May mga kamay akong nakita na may kasamang panyo. Para sakin ba ito? Paano kapag tinaggap ko ito at masinghot ko ang amoy ay pampatulog pala? Tiningala ko nalang ang taong nagbibigay sakin nang panyo at natulala ako nang ilang segundo sa taong nasa harap ko ngayon.

"Miss, nakaka-starstruck ba yung pogi kong itsura?"

Pretty InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon