Namamalikmata lang ba ako? Paano kung hindi? Kurutin ko kaya sarili ko? Nakasuot sya ng pang Stintians? So, it means he is a student in here.Kasalukuyan pa rin na nag-uusap yung lalaki kanina at si Rian. I want to go to him. Wala namang masama kaya pupuntahan ko na sya.
"Ri----" hindi ko na natuloy pa yung sasabihin ko dahil may biglang kumapit sa aking balikat na ikinagulat ko.
Dinig na dinig ko ang mga hingal nila na halos hindi na ata kaya pang makapagsalita, kahit hindi pa ako humaharap ay alam ko na kung sino ang mga ungas na ito.
"Don't you dare to touch" ma-awtoridad kong salita.
Bigla nalamang nawala ang mga kamay sa balikat ko at humarap na sakanila.
"Kamusta? Is it fun to exercise right?" Mapang inis kong tanong sakanila. Wala naman na silang naging tugon pa dahil naubos na ata lahat ng kanilang lakas para sa maghapon ngayong pinarusahan ko sila.
"Naging pipi na rin pala kayo. Ulitin nyo pa ulit, gagapang kayo habang nag pupush-ups sa buong campus" Akala mo kung sino ang mga to, pantay pantay lang naman kami. "Is it clear ungasis?"
Tumango naman na sila sabay paalam sakin na aalis na sila, pero may narinig pa akong huling sinabi ng parang leader nila.
"Siraulo talaga yang Miller na yan,kapag ako ginanahang magsumbong kay Ms. Davis----"
Hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil kaagad kong dinampot ang bato na nasa paanan ko at ibinatukal sa ulo nya na sakto naman ang landing. I'm a good shooter.
"Ganahan ka sana!! Ipabatid mo rin pala sakanya na ayusin ang pagtuturo ng tamang desiplina sa mga ungas na kagaya nyo!!"
Mga loko na ito, ako pa tatakutin. Hindi hamak na mas magaling ako kesa sa Lyyn Davis na yun.
Tinignan ko ang relo ko at may 20minutes pa akong time para makapag ayos. Umagang umaga nag-uumpisa na ang mga kampon ni Barakuda.
Babalik na sana ako ng Supreme Student Training Room ng bigla kong maalala na nakita ko si Rian dito. Ibinalik ko ang tingin ko sa lugar kung nasaan sila kanina, pero wala na sila.
Sayang naman, gusto ko pa naman syang kamustahin. Saang section kaya sya? Haynako! Tsaka na maisip yan, masakit pa ulo ko sa ngayon.
"Oh God, please give me a full of strenght in this whole year. Amen."
---------------
Supreme Student Training Room (S.S.T.R.)
Naabutan kong nag-eensayo ang mga bata ko ng pagfo-form. Ito ang buhay ko sa school, kailangan maging matapang para sa desiplina na ituturo na sakanila. But in my life at home is very different, hindi nila alam na may pagka-dyosang maarte ako, basta sobrang laki ng pagkaka-iba and also the last and for most I'm a big pretty innocent.
"Ma'am, kamusta po ang paghahanap nyo dun sa baguhan? Delavin right?" Pagtatanong sa akin ni Albaño na katiwala ko dito, or kanang kamay ganun.
"Instead of looking for that person who own that surname, naharang pa ko ng mga pasaway" Sabi ko sakanya habang hinihilot ng bahagya ang aking noo.
"Tsk.Tsk. mga pasaway talaga"
Iiling-iling nyang sabi.Tumayo na ako para sabihing mag-ayos na sila dahil kaunting minuto nalamang ang natitira upang makabalik sila sa kanilang mga silid. Nag-ayos na din naman ako, konting retouch lang.
Sabay sabay na kaming lumabas sa aming silid para naman mag-aral.
---------------
Duke's POV
Nakita kong tumatakbo si Vient at na puro dumi ang kanyang uniform. Anyare dun? Kaagad ko naman syang pinuntahan.
"Vient!" Tawag ko sa kanya.
Kaagad naman syang tumigil na parang narinig ang boses ko. Naglakad na ako sa gawi nya na hindi naman kalayuan at tinignan sya mulo ulo hanggang paa na mayroong bahid ng mga dumi.
Sa pagkakaalam ko wala namang bukid dito at puro sementado naman ang daan.
"B-bakit?" Nakaharap na sya at tinanong ako.
"Oh,Anong bakit? Bakit ganyan ang itsura mo eh kay aga-aga" Tanong ko sakanya habang nililibot ang aking mga mata sa suot nya.
"Napagtri-tripan lang jan b-bro" Nagulat naman ako sa sinabi nya, akala ko ba mga disiplinado mga studyante dito? Eh, bakit may ganito? May mali.
"Sino? Asan? Abe mali yun, ano sinumbong mo naba?" Sunod sunod kong tanong sakanya habang lumilinga sa paligid.
Mabilis ang mga naging galaw ni Vient kaya pinigilan nya akong maghunos-dili.
"Okay na. Naparusahan na ng High Archangel" mahinahon nyang sabi.
"Sino naman yun? Naging sapat naman ba ang parusa?" May pagtatakang tanong ko habang marahan pa ring nakatingin sa kalagayan nya. Nakakaawa.
"Basta, sya yung babaeng may pinaka mataas na rango dito. High kase mataas at Archangel naman kasi Babaeng may mataas na kalagayan na parang anghel ba" May dala pang karunungan si Vient ah.
"Oh sya, halika na at mag-linis kana ng gamit mo. Bawas pogi points sa chicks yan" Pabiro ko pang sabi habang dinaluhan sya sa paglalakad papuntang comfort room.
Nakakatuwa lang na ang sarap sa pakiramdam na may ganito akong klaseng kaibigan na magaan ang loob ko sakanya. Kahit sa konting araw pa lang namin na magkakilala ay natutuwa na ako. Kung sa ugali nya wala akong masabi, sa itsura nya naman konting ligo lang ang katapat ay may ibubuga na ito. Kapag may free time kaming dalawa ay tuturuan ko itong mag-ayos para pareho na kaming gwapo like I'm Lee Min Ho and he is Sung Jae of the Philippines.
And one more thing that I want to alter to him is the way he talk. May pagka utal pa kasi sya na lagi kong napapansin kapag nag uusap kami. Hindi ko lang alam kung ganun din sya sa iba, baka sakin lang. Pati tuloy lalaki nababading na ata sakin. Lol hahahahaha.Masyado na atang masaya mga iniisip ko at biglang ko nalang syang inakbayan at napasabing....
"We're the new gwapings!"
-AteCamsQue-

BINABASA MO ANG
Pretty Innocent
RomanceAno ang gagawin mo kapag nalaman mong isang napaka yamang babae pala ang bibihag sa puso mo at hindi sya sanay sa mga pang-karaniwang mga ginagawa sa buhay? Do you still continue your feelings? At ang mga hindi pang-karaniwang mga bagay nga na ito...