Innocent-Twelve

1K 18 6
                                        

Nalie's POV

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko nang makita ko ang pasaway na lalaking pinahahanap ko.

Kasalukuyan syang nakayuko ngayon na mistulang may nagawang kasalanan at walang malay sa mga posibilidad na mangyayare.

"Matagal na kitang pinapahanap, tama lang pala na pinahanap kita"

Mga salitang nasambit ko sa aking isip ng unti-unti nya nang iangat ang kanyang ulo at sambitin ang aking pangalan.

"Nalie"

...........

...........

...........

Nablangko na ako ng simulan nya ng buksan ang kanyang magaganda at mapupulang labi at mas lalo pang bumilis ang tibok nang aking puso ng magsalita na sya.

---------
Duke's POV

Nasambit ko nalang bigla na parang isang lutang ang kanyang pangalan, pero bakit wala man lang syang naging tugon sa sinabi ko.

Hindi nya na ba ako naaalala? Bilis nya naman atang makalimot, sa gwapo kong 'to hays. Sinubukan ko syang kalabitin pero bago pa dumapo ang aking mga daliri sa kanyang makikinis na balat ay may isa pang kamay na pumigil sa akin at nilingon ko kung sino sya.

"Bermudez, S.''

Inilingan nya ako na parang pinagbabawalan na hwag ko ng ituloy ang pag hawak na gagawin ko.

Nag snap sya sa dalawang mata ni Nalie at nang bumalik na si Nalie sa wisyo ay umalis na din si Sir. Bermudez, S. na may nakakalokong ngisi na ibinigay.

Nangunot naman ang mga noo ko sa ginawa nyang yon at napansin ko rin na tinaas ni Nalie ang kanyang mga kilay na may halong inis.

Hinarap nya na ako, tinignan nya muna ako mula ulo hanggang paa at umikot pa sya sa aking likuran.

" Kahit anong parte pa ng katawan ko tignan mo, gwapo lahat yan" napangisi nalang ako sa sinabi ko sakanya.

"Pasaway na, makapal pa hano Delavin, Duke Rian?!"

"Buong buo naman Nalie"

Hindi nya na ako pinansin at pumasok kami sa parang office dito sa loob.

"Bata pa tayo Nalie, hindi pako handa sa ganitong mga bagay" pilyo kong sabi na nakapag patigil sakanya sa uupuan nya.





------------
Ps: Duke/Rian-iisang character lang yun vivi's okay? Baka malito kayo eh.

Belated Happy Valentines

Comment'Vote
Thankyouuuu
AteCamsQue

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretty InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon