Chapter 17 - Wesley's Girl

219 30 17
                                    

 CAR POV

 Weeks passed. Hindi na rin nagparamdam samin yung Nightshade na yon. Mabuti na yun para safe kami. Nangtitrip lang siguro yun.

 " Beeeeeeeeeeebs! Look oh! Two months na yung baby ko. Tapos may konting umbok na agad *pout* Mukhang malaki tong si baby." sabi ni bebs habang hinihimas yung tiyan niya. Dito kami ngayon sa cafeteria. Lunch na rin kasi. Hinihintay nalang namin ngayon yung boys. Sinundo kasi nila Dwyne si Van sa room nila.

 " Hay nako bebs. Normal lang yan. Papabuntis ka dyan tapos magrereklamo kang lumalaki tiyan mo! Ipalaglag mo na lang kaya?" tinignan naman ako ng masama ni bebs. Sareh :3

 " Gusto mong ikaw ang ilaglag ko dyan? Gaga ka talaga."

 " Hihi joke lang naman bebs. Labyu!"

 " Lab labin mo mukha --" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sa biglang pagdating nila Dwyne.

 " Hi hon! Hi Angellic." bati samin ni Dwyne. Tinabihan na niya si bebs at inakbayan. PDA lovers. Tss.

 " Hi Colline :)" bati naman sakin ni Wesley kaya nginitian ko na lang siya. Napansin kong may babae siyang kasama. Maganda naman at mukhang mabait. Umupo sila sa tabi nila Dwyne.

 " Hello Van! ^___________^" masiglang bati ko kay Van. Nginitian naman niya ko, a sweet one. Ayiieee ^//^ Tumabi siya sakin, since no choice na rin siya, dahil wala nang space sa upuan nila bebs.

 Tahimik lang kaming nakaupo dito nang basagin ni Dwyne ang katahimikan, " Hon kumain ka na ba? Anong gusto mong kainin?" napatingin naman kami sa kanya. Yung tingin na parang sinasabing 'eh kami, di mo kami tatanungin?' Ngumiti na lang siya at tumayo kasama si bebs. Bibili na siguro sila ng pagkain.

 " Hey Wesley! Pakilala mo naman samin yang girl na kasama mo." ngumiti naman si Wesley sabay tingin sa katabi niya na kasalukuyang nakayuko. Mahiyain ata.

 " Hoy Angellic! Wag muna, wait niyo kami." sigaw ni Dwyne. Narinig pala niya yun haha.

 " Okay!" sigaw ko rin sa kanya. " Uhmm, Van ikaw? Anong gusto mong pagkain? My treat :)" syempre nililigawan ko eh haha.

 " Hmm. Spaghetti na lang sakin. Thanks Car :)"

 " Okay. Comin'."

 " Oy teka Colline! Pano naman ako? Di mo ba ko ililibre?" pahabol sakin ni Wesley.

 " Bakit nililigawan ba kita? Kung ako sayo, ilibre mo na lang yang babaeng kasama mo! Hahaha." pagkasabi ko nun, dumiretso na ko sa pila. Di naman masyadong mahaba. Nakisingit na ko kila bebs. Hihi.

 " Game!" sabi ni Dwyne pagbalik namin sa table namin.

My Lady SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon