Colline Angellic together with her bestfriend Catherine Kate.
---
CAR's POV
" Bebs gising naaaaaaaaaa!"
" Huyyy! First day na first day late?"
" Colline gising naa. Wake up! Wake up!"
" COLLINE ANGELLIC REIGN WAKE UP!"
Waaaaaaaaaaaaah! Ang ingay ng bestfriend ko. Aga aga nambubulabog. Tsk!
" Give me 5 minutes bebs. I'm still sleepy." gusto ko pang matuloooog.
" Excuse me Ms. Colline, 6:30 na po and our class is 7:00 "
" 6:30 pa lang naman pala eh. " hmm.
" Kyaaaaaaaaaah~ 6:30 na? As in 30 minutes left?" Oh God! It can't be. First day pa naman. Aish, nakalimutan kong mag-alarm.
" Myghaaad bebs! Yes as in 30 mins na lang simula na ang klase." halata sa boses nya na naiinis sya. Sorry naman.
Napabangon tuloy ako ng wala sa oras. Psh. Naligo na agad ako for about 10 minutes, ang lamig na tubig! Buti na lang at bumaba na ang loka loka kong bestfriend. Her name is Catherine Kate Villanueva. Since we're neighbors, nakakapasok sya dito sa bahay kahit anong oras, just like what happened earlier. Alarm clock ko na siya kasi sabay kaming napasok, same school but different sections.
" Bebs bilisan mo! Maganda ka na, wag ka nang mag-ayos. Malelate na tayo!" pasigaw nyang sabi, andun nga kasi sya sa baba.
" Coming!"
Saktong pagbaba ko, tapos na syang kumain. See? Yan ang tinatawag na feel at home. Parang kapatid ko na rin naman sya kaya ayan feel at home.
" Good morning yaya! Sila mom? " malamang nasa work.
" Good morning din ija. Maaga silang umalis ng daddy mo eh." sabi na eh. What's new? Lagi namang work work work!
" Tara na bebs! Baunin mo na lang yan. Bye yaya!" tamo tong bestfriend ko, di pa nga ko nakakakain hihilain na agad ako? Haaaays.
Buti na lang nakakuha ako ng dalawang sandwich. Nagmamadali na tong kasama ko eh, may dala ba namang kotse kahit walking distance lang yung school namin. Sumakay na agad kami sa kotse niya at nagdrive na sya. After 5 minutes, andito na kami. Ang bilis no? Walking distance nga lang kasi. Hahaha.
" Buti di pa tayo late! Tulog mantika kasi eh. See you around bebs!"
She kissed my cheeks before she left. Dumiretso na ko sa room namin. Section A ako, si Cathy? Section C yun, di hamak na mas matalino at maganda ako dun. Hahaha. Pagpasok ko sa room, wala pa yung teacher namin. Napansin kong walang katabi si Dwyne sa likod so tinabihan ko sya.
" Good morning Angellic!" pakindat kindat pa ang loko eh.
" Good morning din Dwyne!" I said that while imitating his tone and with matching wink. Hahaha. Akala nya sya lang? No way.
" Tss. Di ka pa rin nagbabago!"
Meet Keith Dwyne De Castro, isa sa mga campus heart-throbs. Well, I belong to those 'campus heart-throbs'. Hahaha. He calls me Angellic and I call him Dwyne. Mas maganda raw kasi kapag second name ang tawag namin sa isa't isa, unique. Ewan ko ba dyan, umoo na lang ako. May sapak din tong lalaking to eh. Maya maya pa dumating na si Ms. Selle.
" Good morning class!"
" Good morning po Ms. Selle!" sabay sabay naming bati.
" Well as you know, every first day of class we have our orientation right? " we nodded as an answer. Lagi namang ganito since our freshmen days.

BINABASA MO ANG
My Lady Suitor
Novela JuvenilKapag nagmamahal hindi maiiwasang maging torpe. Takot kang aminin ang nararamdaman mo sa isang tao dahil sa maraming dahilan. Sa storyang ito, babae ang maglalakas loob na manligaw sa lalaki. Si CAR ay isang babaeng manliligaw ng isang torpeng lalak...