CAR's POV
Maaga akong nagising ngayon. Ang ganda nga ng gising ko ehh. Siguro masaya lang talaga ako kagabi bago ako natulog, kaya maganda gising ko.
Hmm, sabado nga pala ngayon. Kung kailan walang pasok tsaka naman ako nagigising ng maaga. Haaay! Makapagjogging na nga lang. Feeling ko nagkakabilbil nanaman ako eh. Di pwede yun! I have to maintain my body physically fit and sexy. Hihi. Nag-ayos na ko ng sarili ko at nagpalit narin ako ng damit. Bumaba na agad ako pagtapos kong magbihis. Sakto namang naabutan kong naghahain ng almusal si yaya.
" Goodmorning yaya! Ang aga mong maghanda ah," bati ko kay yaya.
" Uuwi daw kasi yung mommy at daddy mo ngayong umaga eh. Ikaw, bakit ang aga mo? Wala naman kayong pasok pero ang aga mong bumangon."
" Ah ganun ba yaya. Di ko nga alam kung bakit ako maagang nagising eh kaya naisipan kong magjogging na lang."
" Osya sige, kumain ka muna kahit konti bago umalis."
" Sabayan mo na ko ya!"
Kumain na kami ni yaya. Isang sandwich lang kinain ko kaya mabilis akong natapos. Di muna ko umalis ng bahay, hinintay ko munang matapos si yaya sa pagkain nya. Maya-maya, umalis na ko. Bago pa ko umalis, di pa rin nadating sila mom, traffic lang siguro.
I placed my earphones then I started to jog. It really feels so good kapag pinagpapawisan ako, feeling ko sexy agad ako. Ayy mali, sexy na pala talaga ako. Haha. After half an hour of jogging, nagpahinga muna ko dito sa park. Ang aga aga ang daming bata. Nakakagaan talaga sa pakiramdam yung mga batang ang cute cute na masayang naglalaro. Umupo ako dito sa swing habang nanonood sa mga bata. Napansin kong andito rin pala sila Venice at Marco. Pinapanood ko lang silang dalawa, ang cute kasi nila eh bagay na bagay silang dalawa. Bigla namang may lumitaw na kamay na may hawak ng ice cream sa harap ko.
" Ano yan?" tanong ko sa kanya kahit alam kong ice cream yan. Shunga ko.
" Ice cream." sabi na ehh. Psh. Nakakahiya nanaman.
" Alam ko. Para sakin?"
" Hindi, para sa swing. Swing, ice cream ohh," bat ba ang tanga ko ngayon? Hindi ata nagana common sense ko ngayon. Napakapilosopo naman niya. Tinignan ko nalang siya ng masama, " Baka matunaw kami ng ice cream. Oh para sayo yan."
" Yan ka nanaman eh. Salamat."
" Ang aga mo ata dito sa park? Bakit mag-isa ka lang?"
" Nagjogging kasi ako eh. Ikaw, bakit ka nandito? Aga aga ice cream agad?"
" Nagjogging din. Nainitan ako eh."
Magjojogging tas magrereklamo ng naiinitan. Abnormal lang. Di na ko nagsalita at inubos ko na yung ice cream ko. Tahimik lang kaming dalawa dito. Maya-maya, napansin ko si Venice na tumatakbo papunta samin. Naaalala pa kaya niya ko?
" Hi Ate Colline!" nakakatuwa naman at naaalala pa rin niya ko.
" Hello din baby."
" Kilala mo siya?" sabat ni Adrian.
Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Venice, " Yes kuya. Siya si Ate Colline, yung nakwento ko sayo dati na bago kong friend remember?"
Nakakatuwa naman tong si Venice, nakwento pa talaga niya ko sa kuya niya. Kuya pala niya si Adrian.
WAIT! WHAAAAAAAAAAAT?! KUYA NIYA SI ADRIAN? Kapatid ni Venice si Adrian? It took minutes bago magsink-in sakin na magkapatid sila. Really? Magkapatid sila? What a small world.
BINABASA MO ANG
My Lady Suitor
Подростковая литератураKapag nagmamahal hindi maiiwasang maging torpe. Takot kang aminin ang nararamdaman mo sa isang tao dahil sa maraming dahilan. Sa storyang ito, babae ang maglalakas loob na manligaw sa lalaki. Si CAR ay isang babaeng manliligaw ng isang torpeng lalak...