Isang buwan nadin ang nakakalipas simula nung binawian ng buhay ang mga magulang ko dahil sa isang car accident,at halos mag iisang buwan nadin buhat nung lumipat kami ni yaya flor dito sa manila.
Masakit dahil nawalan ako ng magulang ng maaga pero kailangang tanggapin, Nakakapanibago pero kailangang tyagain.
Bagong lugar bagong pakikisamahan. Bagong kapitbahay, bagong chismosa, bagong eskwelahang papasukan lahat halos bago dahil bagong salita lang ako dito sa manila., Ako nalang ata ang hindi nagbabago char!!Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang mga ugali ng magiging bagong kapitbahayan ko dahil tandang tanda kopa noong kinukwento sa akin ni papa kung anung klaseng kapitbahay ang mayroon sila dito sa Manila.
Mayroon lang naman silang mga kapitbahay na Early bird sa pakikipagchismisan. Kapag bago ka iwewelcome ka nila ng masibagong chismis ukol sayo. Hindi rin tago sa aking kaalaman ang mga chismis na ibinato sa magulang ko noong nabubuhay pa sila, na keso daw mangkukulam ang aking mama, na keso dumating sila sa lugar na iyon kung ano anong malas na ang sinapit ng lugar nila.
Sayang nga lang e at wala na si mama para maipagtanggol ko sa mga bumabatikos sa kanyang mangkukulam sya. Edi sana nag aral akong mangulam sa probinsya namin at kinulam sila. Para naman may katotohanan ang kulam kulam chismis nila at dahil pinalaki akong maayos ng mga magulang ko hindi ko nalang gagawin yon.
at saka malas ?? Walang taong malas sadyang madami lang ang hindi sinuswerte, at buti nga sa kanila. Joke!! Hindi ko din masasabing malas ang magulang ko no! Meron kaya silang ekta ektaryang lupain sa probinsya namin na pinapasaka sa ilang magsasaka doon, meron din silang 6 na babuyan at meron din silang matalino at magandang anak. OHH!! KOKONTRA KA?! o sige ikaw ng mag Bida..
at kung sasabihin nilang na Malas din ako?! Ay nako nagkakamali sila dyan. Ako kaya ang pinakaswerteng nilalang sa probinsya namin. bukod sa naiibigay sa akin lahat ng pangangailan ko, mayroon din akong mga kaibigang loyal pa sa royal at meron din akong Yaya na sobrang bait. Ako na din ang pinakaswerteng nilalang dahil mayroon akong maalagain, maunawain na mga magulang iyon nga lang iniwan na nila ako.
Ang sad diba ??!
Pero kahit na ganon kailangan kong ituloy ang buhay ko. Kailangan kong mag aral ng mabuti at makapagtapos. Para naman hindi sayang ang pinaghirapan ng mga magulang ko noong nabubuhay pa sila.
At kapag nakapagtapos ako sa pag aaral ko. Ako na ang magtutuloy ng naiwan nilang trabaho't negosyo. Ayoko naman na pati iyon ay mawala. iyon na lamang kasi ang natitirang alaala nila mama at papa sa akin.
