Natapos ang araw namin ng puro barahan lang. Sa sobrang pangbabara hindi na namin naiflash. Sad bhe
Konting kwentuhan tapos mas madaming trashtalkan. Wala kasing kwenta kausap yung lalaking iyon e. Pero laughtrip din kausap. Actually, kinabag kaya ako kakatawa sa ulupong dagat na iyon. Para akong nasa sitcom na puro sikat na komedyante ang nagtatanghal.
Wag kayo.. May sitcom sa bayan namin sa probinsya. Kala nyo dito lang sa Manila ah.
Pero seryoso. Oo seryoso pa sa pagmamahal na nararamdaman mo sa jowa mo ngayon. Ang saya nyang kausap. Nakakainis, minsan pero ang saya. Promise. Mas masaya syang kausap kesa kay Miranda na walang alam kundi panlalait lang. Akala nya siguro kinapretty nya ang manlait no?
Ohh mag rereact na iyan. HAHAHA.
Wait lang Miranda tawagan kita Later.Iyon na nga. Naging komportable akong kausap sya. Kwentuhan tungkol sa buhay buhay namin. Hearthtalk kumbaga.
"Tse! Talk lang kasi walang heart don sa usapan nyo kanina. Tsusera!!" Banat na naman ng palasagot kong konsensya.
Hi sa mga readers ko dito.. Bumibili ba kayo ng kontrabidang konsensya? Kapag ba pinost ko ito sa Buy and sell na page sa facebook e mabibili ba kaagad ito? Parang awa nyo na' ayoko na sa kanya.
Yun na nga balik ulit tayo sa kwentuhan namin. Kaya pala mga bes, Kung makipag usap sya kay Dean noong araw na nasa clinic kami ay parang close sila sa isa't isa. Yun pala ay dahil apo sya ng may ari ng eskwelahang pinapasukan ko. Uncle din nya ang Dean namin. Dyuskolord lang talaga.
Sa sobrang hiya ko sa kanya, Nagpalamon na akong buo sa semento, pero niluwal din nya ako. Di daw nya ako bet. Bastos lang!!
Naikwento din nya sa akin ang totoong rason kung bakit sa puno sya madalas maglagi. Dahil dati pala syang unggoy.
Sya na nga lang daw ang natitirang unggoy sa lahi nilang lumaban noon sa "Planet of apes" e. Sabi nya.Nakwento din nya sakin ang tungkol sa Ate nya. Basta yun na yun. Ayoko ng ikwento kasi baka malungkot kayo, saka tinatamad din akong magkwento at Nakwento din nya yung totoong rason kung bakit sa bawat sulok ng campus e nagkikita kami. Curious 'daw' kasi sya sa chismis nila lady gaga na nakatambay sa tindahan ni Katy Perry sa tapat ng bahay namin. Curious daw sya kung totoo ang kumakalat na issue tungkol sa pamilya namin.
Odiba lakas ng loob manaliksik. Feeling Journalist. Ayaw nya pang sabihin na curious sya kung mangkukulam ba talaga ako at marunong mangbarang.
Kasi kung iyon ang sasabihin nya e sasample-lan ko sya. Pero saka na mag aaral muna ako sa probinsya namin.
Nakipag kaibigan din sya sakin. May Pa-shakehands pa nga si Mayor.sabi ko "oo na tropa na tayo, wag ng magshakehands kasi humawak ako sa poops ng pagong" Ayun laughtrip sya.
Parang gagu' lang e. Sinadya ko talagang hindi makipag shakehands sa kanya. Mamaya kapag nakipag shakehands ako sa kanya biglang maglagay ng background music si Author ng 'Hawak kamay by: Yeng Constantino' e. Saka baka kumislot na naman ang dibdib ko. Yoko na!!
Saka.. saka.. Baka maramdaman ko yung sinasabi ng mahadera kong kaibigan na si Miranda. Na noong nakipagshakehands daw sya sa lalaking nakipag kilala sa kanya at nagwasak ng nagingitim nyang puso e may kuryente daw na dumaloy sa katawan nya.
