Pansin ko lang, simula ng mapadpad kami dito sa manila parang wala ng magandang nangyayari sa buhay ko.
Nawalan ako ng magulang. Nandyang pinag kamalan akong taga alaga ng bahay. Pinagkamalan pa akong anak ng mangkukulam. Nahulog sa hagdan at hinayaang sagut sagutin ako ng mga palasagot sa paligid ko. Naiimbyerna padin ako sa palasagot na puno at hagdan. Sabayan pa ni Yaya flor na malakas ding mangbara, at higit sa lahat nakaengkwentro ako ng lalaking nakatira ata sa punong tamad at hugutero pa.
Hays! Yung lalaking pipi na bastos na iyon.
Ay mali! hindi pala sya pipi kasi nagsasalita sya. Bastos, walang modong lalaking yon.
Wag talaga syang magpapakita sakin. seryoso ako itutumba ko sila ng palasagot at huguterong puno na yon.Gusto ko ng maniwala sa 'Malas' dahil ako ang pruweba non. Pero hindi din pala dapat sadyang hindi lang ako swerte ngayon kaya siguro nangyayari sa akin ang mga ito.
Buti nalang ay nag uumpisa na akong pumasok. Buti nalang talaga. feeling ko kasi konti nalang at masisiraan na ako ng bait. Ayoko namang mangyari iyon. Hindi ko gugustuhing takasan ako ng sarili kong bait.
Tumatakas ba ang sariling bait? san sila nagpupunta kapag nakakatakas sila?.
"Tanong mo sa professor mo sa calculus" sabad ng palasagot kong konsensya.
Dyuskolord 24inches ayan na naman yung konsensya kong palasagot. Yaw kona talaga.
Sinisikap kong ipag walang kibo nalang ang mga chismakers kong kapitbahay sa twing lalabas ako ng pamamahay na ito e ang dami nilang hanash.Wala ng epekto sa akin ang mga sinasabi't pinaparatang nila na pawang kalokohan lamang. Hindi naman tataas ang gradong makukuha ko kung papakinggan ko sila at pag aaksayahan ng panahon at oras.
Time is gold kaya pero silver lang ang wristwatch kono. Saka na ako magsusuot ng gold kapag richkid nako. HAHAHA
Sa hindi ko inaasahang pagkakataon at sa mapaglarong tadhana. Ayun kaeskwela ko pa ang lalaking nakatira sa puno sa ibang subjects ko. Nakakainis lang diba?!
Yung sinusumpa mong lalaking puno na may bastos at walang modong ugali e araw araw mong makikita. Dyuskolord lang talaga. I kenat...
Dalawang oras akong bakante bago pa ang susunod kong subject. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa bakanteng oras ko.
Gusto ko sanang umuwi nalang muna at matulog kaso baka mapasarap ako sa pagtulog at hindi na ulit makabalik sa eskwelahang ito. Kailangan ko ng peace of mind dahil sobrang stressful para sa akin itong linggong ito.Gusto ko din sanang tumambay nalang muna sa canteen at magfoodtrip kaso ayoko padin dahil madaming studyanteng nakakalat. Sarap nilang ipagtatapon sa loob ng basurahan. Sa library din sana kaso baka lalo lang akong antukin kaya pinasya ko nalang na umakyat sa rooftop ng building namin at dun nalang muna maglagi habang inaantay ko ang susunod kong subject.
Nang marating ko ang rooftop agad akong pumwesto sa sulok at nagsoundtrip nalang muna. Us usual avril padin o di kaya naman Paramore. Feeling rockstar ako e La kayom pake.
Napapasarap nako magsoundtrip habang nagtatapik tapik pa ng kamay ko sa hita na Animo nagdadrums, kasi nga feeling rockstar ako. Nang may gumambala na naman sakin. Hindi na ba ako magkakaroon ng katahimikan kahit 1hour lang? Please kahit 1hour lang.

BINABASA MO ANG
Mahal kita, Palag pa?!
Roman pour Adolescents😁😁 Yoko mag lagay.. Basahin nalang po.