Dalawang araw matapos nung Insidenteng nangyari sa campus ay hindi kona nakita si Kuyang nakatira sa Punong tamad at hugutero. Oo nga pala tinanggal kona yung 'Bastos at walang modo' na nakadikit sa pangalan nya.
Bukod kasi sa nakakapagod na syang i'type kasi mahaba, feeling ko hindi naman talaga sya bastos at walang modo na inakala ko. Hindi lang siguro talaga maganda ang unang pagkikita namin. Kaya ayun.
Pumapasok padin naman ako. Baka isipin nyong hindi na dahil nabully ako ng tatlong katiwala ng clown sa movie na IT ahh.
Pagtapos ng klase ko ay agad agad din akong umuuwi.Hinanap ko din yung tatlong babaeng mukhang clown dahil sa kapal ng make up nila, at Pinasalvage ko. Pinagpira piraso ko din ang mga katawan nila gamit ang plies at lagari. Chos! Ayun nga sinubukan ko silang hanapin pero hindi kona sila nakita pang muli. Siguro nakilala na sila ni dean at pinatalsik na sa eskwelahang iyon.
Pati si Kuya na hindi ko alam ang pangalan e hindi kona din nakita pang muli siguro nadamay sya sa pinatalsik ni dean. Kawawa naman sya kung ganon. Sinubukan kong hanapin sya para personal na magpasalamat. Kaso naitaob kuna ang buong campus pero wala din sya.
Hinanap ko din sya sa mga lugar na lagi kaming nagkikita ng hindi sadya, ngunit ni Anino man lang nya e hindi ko din makita.
Putspa naman oh! Pinapagod ko lang ang sarili ko. Ang hirap maghanap ng taong ayaw magpahanap. Bahala sya sa life nya.
2pm palang tapos na ang klase ko. Dumiretso uwi na ako dahil hindi ko naman inugaling dumisplay sa loob ng school.
"Nakakainis naman tung lugar na'ito! bakit hanggang terminal lang pwede ang mga traysikel? Hindi ba pwedeng hanggang gate namin magpahatid? Sayang yung 40 na bayad kapag special tapos hanggang terminal lang pala! Ang init pa naman.. Mangingitim ako nito e" maiyak iyak kong tugon habang naglalakad pauwi sa amin.
Bubuksan kuna sana ang gate namin ng sinilip ko ang itaas ng puno. Sa kakasilip ko sa itaas ng puno nagmukha pa akong katawa tawa sa paningin ng matatandang chismakers na ito.
"Ineng ano hinahanap mo dyan sa itaas ng puno?" tanong ni chismosa1
"May nakikita ka ba dyan na hindi namin makita neng?" tanong pa ni chismosa2
Dyuskolord na may 24inches!! Hindi lang pala sila mga chismosa. Atribida din sila.
Ang init init ng panahon pinag iinit din nila ang bangs ko.Nginitian ko sila. "Hinahanap kopo kasi yung pusang itim ko. Dito po kasi sya umakyat kagabi pagkatapos namin mag usap ng kaibigan kong kapre" Pagdadahilan ko sa kanila.
Namutla ang mga mukha nila na may halong gulat at takot sa mga sinabi ko. Kaya ni isa sa kanila ay walang nagsalita. "Baka ho nakita nyo pakisauli nalang po sa akin mga nanang' uulamin kopa kasi iyon mamayang gabi e" at saka sila tinalikuran.
Napahagalpak ako ng tawa sa mga reaksyon nila noong makapasok na ako sa loob ng bakuran namin. HAHAHAHA......HAHAHAHAHA... Laughtrip dizz...HAH... tatawa pa sana ako ng isang beses nung may umubo mula sa itaas ng puno.
"Ehemm"
Alam kong si kuyang nakatira sa puno iyon kaya nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay. "Shitness!! hindi naman ako ready". Palakad lakad ako mula kusina patungong sala. Kanina pa nga ako nahihilo sa ginagawa kong pagpapabalik balik pero mas mukang mas nahilo si Yayaflor sa suntok ko. Ayun tulog sa sahig. Dina nag effort na umakyat pa sa kwarto nya. Charot!
