Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit sa araw araw nalang e nakikita ko ang bastos at walang modong lalaking naninirahan sa punong tamad at hugutero na iyon.
Oo nga't magkaeskwela kami kaya malamang sa alamang e magkikita't magkikita kami. Pero napakalaki ng University na ito para makita ko sya kahit saang parte ng campus man ako magpunta.
Hindi ako komportable sa kahanginan nya. Dinaig nya pa ang Reyna ng mga hangin na si Lily james sa sobrang hangin.
"si Debora ng Baby Driver?" sabat ng konsensya kong pumupuso puso pa ang mga mata.
"Wala kong pake" sabat ko din dito. Dahil sa sabatera sya dapat ako din. Hindi ako dapat magpalamang sa konsensya kong ito dahil baka hindi ko sya matansya at alisin kona sya sa sistema ko.
Pero pwede ba yun ?? Paalisin ang konsensya sa sistema ng isang tao? Ah ewan.
Yun na nga balik tayo sa lalaking bastos at walang modo na iyon. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana na pagtagpuin kami para sirain ang pang araw araw kong mood o co inccidence lang.
Simula noong naengkwentro ko sya sa rooftop nitong school hindi na ulit ako bumalik pa doon dahil ayokong makita sya. Baka kasi magkakaso ako ng frustrated homicide ng dahil sa kanya. Noong sa likod ako ng school building namin nagpalipas ng oras nakita ko din sya doon.
Noong sa garden ako sa Physic club naglagi, nandon din sya. Lahat ng lugar na alam kong nandoon sya dikona pinupuntahan. Minsan nga kahit ayoko sa canteen maglagi pero wala akong choice kaso ang epicsh*t dahil andun din sya. Noong inutusan ako maghatid ng papers sa Dean's office, nandun din sya at prenteng nakaupo sa upuan ni dean ng nakataas pa ang paa. Kapal lang diba!!
Minsan nga gusto ko ng isiping sinasadya na lang nya. Pero sa anong dahilan bakit nya sinasadyang magtagpo at magtagpo kami.
Siguro type ako non. Char lang!"Bakit Typewriter ka ba? or di haya Keyboard kaba?" nakisabat na naman ang mahadera kong konsensya. "Hindi kita kausap.. Saka bago ka sumabat magknock knock ka muna te' sabi ko dito.
Echoserang froggy kasi. Gigil na talaga ako mga bes. "Wag kang assuming te' type agad? malay mo naweweirduhan lang sya sayo at gusto ka nyang friends. Wag mag assume mahirap ng umasa.. sige ka" pangisi ngisi pa nitong sabi.
Sakalin ko kaya itong konsensya ko gamit ang sinulid. Masasaktan kaya ito? Ay!! Yoko pala. Baka masaktan din ako. Tama na iyong nasakal ako ng isang beses, gawa ng mahadera at inggitera kong kaibigan na si Miranda.
Speaking of Miranda. Tinawagan ko sya tru phone para kamustahin ang mga tanim nyang kamote. Kung si Princess sarah ay patatas, si Miranda naman ay Kamote. char lang!! Tinawagan ko sya para malaman kung buhay paba sya? o kung nakalimot ba syang huminga kaso tinamad sya. HARD!!
Dahil bakante pa ako kaya nakipag callmate muna ako kay Miranda. Para naman mafeel nyang nag eexist pa pala sya sa mundo ko.
Naglakad lakad ako paikot sa campus ng mapadpad ako sa likod ulit ng building namin.Nakahinga ako ng maluwag dahil wala ang Ulupong na bastos at walang modong lakaking iyon. HAHAHA Ang haba ng endearment name ko sa kanya. Paano ba naman kasi hindi ko alam ang pangalan nya. Magkapit bahay lang kami halos pero hindi kopa sya kilala. Classmate ko din sya sa ibang subject pero wala akong balak alamin ang pangalan nya.
Neknek nya!!
Masaya kaming naglalaitan ng mahaderang inggiterang si Miranda sa phone ng maramdaman kong may bumuhos na kung ano man iyon mula sa itaas ng building na pinagsasandalan ko.
