Loving My TANGAhanga

343 13 3
                                    

Loving My TANGAhanga 

 ANG ISTORYANG ITO AY PRODUKTO LAMANG NG IMAHINASYONG NG MAY AKDA. ANO MANG PANGYAYARI NA NAKAPALOOB SA ISTORYA AY LIKHA LAMANG AT MAARING NAIHALINTULAD LAMANG SA TUNAY NA BUHAY.

Sinimulan ng: Hunyo 2, 2014

LOVING MY TANGAHANGA

©sspinknow

Ang mangopya ng istorya ay mamamatay na bukas.

=========

Characters:

Wu Yi Fan as Kris Wu

2NE1's CL as Charmaine Santos

2NE1's Bom as Chona Santos

2NE1's Dara as Chandra Santos

2NE1's Minzy as Chanzy Santos

G-Dragon as Jimmy Cortez

Exo's Chanyeol as Charlie Padilla

========

Sabi nila, ang mga idol daw, hanggang pangarap nalang. Bukod sa koreano sila at milya-milya ang layo nila sa Pinas eh, wangak! Wala ka nang pag-asa! Hanggang tingin ka nalang, hanggang download ng kanta, hanggang spazz ka nalang, lalo na kung butas talaga ang bulsa mo.

Minsan pa nga hinihiling mo na, "sana mayaman nalang ako" para everytime na may signing event! Fly ka na kaagad sa Korea o kung saang parte ng Earth man sila naroroon.

May pagkakataon naman na iiyak ka nalang kapag nalaman mong may concert sila tapos kahit pamasahe lang papuntang Maynila eh, wala ka.

Masasabi mo nalang din sa sarili mo na "Langit sya, lupa ako". Idol sila, ordinaryong tao ka lang. Pairit-irit kapag nasisilayan ang picture, kikiligin sa mga music videos at mag-aalala kapag nagkakasakit sila.

May mga tao pa nga na nagsasabi na kabaliwan lang ang paghanga sa kanila. Na wala kang mapapala dahil ang katotohanan ay wala namang pakialam sayo ang idol mo. Ni existence mo, hindi nila alam. Samantalang ikaw, halos lahat ng tungkol sa kanila, alam na alam mo.

Kabaliwan man kung ituring ng iba, pero dito ka masaya. Masakit man pero tinatanggap mo parin. Hawak mo lang naman ang isang pag-asa. Ang pag-asa na may maswerteng nilalang na bibihag sa puso nila. Na mamahalin din nila, na makakasama nila habang buhay. At ikaw naman, heto, nangangarap na sana ikaw 'yun.

Ito ay istorya ng isang babae na may bonggang bonggang paghanga sa idol nya. Kahit hindi sya mayaman, kahit hindi sya kagandahan at lalong hindi sya kilala. May pag-asa kaya na mapansin sya? Lalo na ang tingin sa kanya nito ay isang baliw na TANGAhanga

===========

Guys, mabagal po akong mag-update. At bawal po ito sa bata. Puro katangahan, murahan at landian po ang laman nito.

Kung trip nyo pakihintay nalang ng update.

Mensahe lang kung gusto ipadedicate <3

Salamat xoxo <3

-sspinknow

fb.com/adminmomoon

Loving My TANGAhanga [EXOx2ne1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon