LMT: III

95 8 0
                                    

Chapter III: POSTER

CHARMAINE'S POV

"Haha, nakakatawa!" inis kong sabi kay Jimmy.

Pagkascan ko kasi sa paligid nakita ko kaagad sya may hawak na bond paper tapos may nakasulat na

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

PANGET.

JONG-INA! ANG LAKAS TALAGA NG YOYING NITONG ISIP BATANG 'TO!

"Buti nga sinalubong kita" sabi nya sabay kagat ng lowerlip nya, pero nanlalaki naman ang mga butas ng ilong halatang pinipigilan lang ang pagtawa.

Walanghiya talaga!

"Dalhin mo naman yung ibang gamit ko?" singhal ko sa kanya. Nananakit na ang mga balikat at kalamnan ko dahil sa mga gamit ko.

"Ayoko nga, kaya mo na 'yan! Macho ka naman eh!" napakagentleman nya po! Pakihambalos nga po ng CPU para intense!

--

Nakarating na kami sa bahay nya. Napanganga naman ako.

TAOINANG BAHAY TO! ANG GANDA!

"Laway mo!" masungit na sabi ni Jimmy.

Pinunasan ko naman 'yung labi ko.

"Wala naman!" sinamaan ko sya ng tingin tapos inirapan.

"Yung kwarto mo, sa second floor. Sa kanan" sabi nya.

Dumiretso sya somewhere tapos ako eto, di magkandaugaga sa mga gamit ko. Huhu, mapanot ka sana JIMMMMYYY!

Habang busy-busyhan ang peg ko, naalala ko yung paperbag na binigay ni Chanzy. Binutingting ko then BOOM!

WAAAH!

EXO OVERDOSE MERCH! UWO UWO!

PARANG GUSTO KONG MAGTUMBLING! EMEGERD!

SHET NAMAN 'TONG PHOTOCARD NA 'TO EMEGERD! PAKISAMPAL NGA AKO! ANG GWAPO NILA!

LE DIES~

Tapos andaming poster ng hubby ko! OWYEAH, SINUNDAN AKO NI BABALOVES SA BEIJING HOW SWEET MWAHAHAHA!

I KENNAT HIDE THESE FEELS ENIMOR!!

Nagpagulong-gulong pa ko sa kama habang yakap-yakap ko 'yung overdose cd.

KYAAAH!

I LOVE YOU NA TALAGA CHANZY BEYBEH!

BENBEN! AAMININ KO! NAGKASALA AKO DAHIL KAY DAO MING SI/JERRY YAN. PATAWARIN MO KO! BABALOVES!

--

Bumaba muna ako at hinanap si Jim. Kapagod din palang ilabas lahat ng feels ng walang pumipigil. Ansaya saya times two plus ten! Mwahahaha!

Kaya nga lang wala akong laptop. Toinks! Tapos tong cellphone ko panahon pa yata ni kopong-kopong 'to! Pero syempre joke lang 'yun.

May naaamoy akong something, amoy pagkain. Sakto namang kumakalam na 'yung sikmura ko kaya hinanap ko yung saan man 'yung amoy masarap na 'yun.

Sa kusina naman po! Alangang sa banyo diba?

Nakita ko si Jim na busy-busyhan dun sa niluluto nya pero may nakaprepare na sa kitchen table. Lalagyan nya nalang ng chu-chu eklavu yung pagkain. Nakakatakam 'yung itsura nung food kaya naman titikman ko na sana kaso nung inilapit ko yung kutsara ko tinapik naman ni Jim.

"Dun ka sa dining area, di pa ako  tapos magluto wag kang patay gutom" Jim said while cooking.

Kung di ko lang bespren to na-wushu ko na 'to. Tamang lakad papunta sa dining room, napakadaming arte ni Jim, bakla na siguro sya di lang ako aware.

May nakalagay na fruit basket dun sa table kaya pinagpipitas ko yung ubas. Patay gutom na kung patay gutom, baka makagat ko na yung table. TOMJONES na kooo!

--

"Oh, ayan na!"

"Pwede nang kainin?"

"Pwede na"

Di ko alam kung ano uunahin ko dito. Mukang masasarap 'yung pagkain. Infairness, mahusay talaga si Jim. Andami nyang niluto. Tamang kain naman ako.

"By the way, yung sweldo mo nga pala 20,000php/month. Libre pagkain, tubig at kuryente. Wala kang gagawin kundi magbantay nitong bahay" sabi nya. Napanganga naman ako at nanlaki ang mga mata ko ng bahagya.

"20,000? Anlaki naman!"

"Ayaw mo ba?"

"Hindi"

"Lagi mo lang din naman na binabalik 'yung nakaraan. Siguro naman makakabayad na ko sa utang-na-loob ko sayo nung highschool tayo?"

"Sabi ko nga keri lang eh, teka? Wala talaga akong gagawin?" sabi ko habang nakapabilog ang nguso ko at nakataas ang dalawang kilay.

"Oo" walang emosyon na sagot ni Jim habang hinihiwa 'yung steak nya.

"Bakit?" Kunot-noo namang tanung ko.

Tinusok nya ng tinidor yung steak at tumingin sakin. "Lahat ng gamit dito sa bahay automatic at kapag nasira mo, hindi mo kayang palitan." sabi nya sabay kagat nung steak nya. "Dakilang sablay ka pa naman"

--

Nandito ako sa loob ng kwarto at busy-busyhan sa pag-aayos. Di nalang nya 'ko dineretsa. Di nya nalang sinabi na tanga ako tanggap ko naman eh.

Tamang tungtong ako dito sa kama at dinidikit ang pagmumuka ni Boy Mangga! Ang asawa kong mukang mangga pero gwapo! Ayieeh.

Psh, concert na nga pala ngayon ng exo pero itong si Babaloves di padin bumabalik. "Hoy bhe!? May sakit  ka ba? Bumalik ka na sa exo!?" Sabi ko dun sa poster habang tinatapik-tapik yung mga tape sa gilid. Umurong ako para sipatin kung pantay ang pagkakalagay ko.

*bogsh!*

"Aray!" dulo na pala umurong pa 'ko tanga talaga! Ang sakit ng pwet ko.

Biglang bumukas ang pinto. Si Jimmy yung nagbukas, nakahawak padin sya sa doorknob habang umiiling-iling. "Tss, panget! Sablay ka talaga!" He said. "Ano nanamang nangyari?" He asked.

"Wag mo nang itanong"

May dinukot sya sa bulsa nya, cellphone pala. "Oh, tawagan mo na sila. Sabihin mo buhay ka pa" sabi nya tapos inilapag yung phone sa may lamesita at agad na naglakad papaalis.

Nilayasan nanaman ako.

"Woi, Hubby Baba? Nakita mo ba yung si Jimmy? Naku, impakto sya no? Nalilito nadin ako sa personality nya. Aist!" tanga ko nanaman.

Kinakausap ko nanaman ang poster ni Kris Wu.

===============

Loving My TANGAhanga [EXOx2ne1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon