LMT: IV

131 7 0
                                    

Chapter IV: FIRST ENCOUNTER

CHARMAINE'S POV

THE LOST PLANET CONCERT

#teamBahay

Anak ng kamoteng kinilaw! Sa lahat naman ng pagkakataon, naging mabuti naman akong tao!? Bakit ba hindi ako pagbigyan ng langit!?

Hinihiling ko lang naman na lumagpak sa kamay ko ang isang ticket sa The Lost Planet In Beijing!

BAKEEET!? BAKEEET!? o(╯□╰)o BAKIT IMPOSIBLE!?

"Nguso mo sasayad na"

Tss, sinamaan ko ng tingin si Jimmy. Nag-aayos sya ng necktie nya. May meeting daw kasi sya.

Napag-alaman ko na bukod sa dentista sya ay businessman din. Sarado ang clinic nya kapag may stock holder's meeting chu-chu yung company.

Mayaman si Jimmy, sobrang yaman.

Kaya naman, yung sweldo 'kong 20k ay barya lang sa kanya.

"May meeting ka ulit!?" Tanung ko sa kanya pero sa screen ako ng laptop nakatingin.

Kanya 'tong laptop. Nasira ko na kasi 'yung desktop nya at 'yung laptop na binigay nya nung una.

"Wala, magkakalkal ako ng kanal." Poker face na sagot nya sakin. Pambihira talaga 'tong damuhong 'to. Tinatanong ko nang maayos tapos ganun nalang ako walanghiyain? Hustisya sa mga tanga nasaan!?

"Aalis na 'ko." Sabi nya. Dinedma ko nalang.

Pumunta ako sa kusina. May nakita akong note sa table.

Panget, wag kang magsasaing kundi sasapakin na kita. Nandyan sa may oven 'yung pagkain. Wag mong iinitin! Kukutusan kita.

Ang sweet nya no? Ang sarap nyang iumpog sa chin ni Kris Wu.

Tuwing magsasaing kasi ako, nasisira ko 'yung ricecooker nya. Ewan ko ba kung bakit sila nasisira. Nakakapitong rice cooker na 'ko at limang oven at microwave. Di ko naman sinasadya pero trip yata nilang masira ng wala sa oras.

Nakaramdam naman ako ng gutom. Kinuha ko kaagad 'yung pagkain at nilantakan. Masarap talaga syang magluto.

Good catch sya para sa isang babae. Maswerte talaga 'yung mapapang asawa nya.

Napatingin naman ako dun sa litratong nakaframe. Actually, poster talaga sya nung una kaya naman tinadtad ko ng tape para hindi mahulog. Pero nawala din 'yung poster at paggising ko ayan na, nakaframe na dito sa kusina.

Pinaframe nya. Kunyari pa syang nayayamot pagnakikita 'yung pagmumuka ng self-proclaimed na asawa ko. Ngiting ngiti akong tinanong kung bakit nya ginawa 'yun pero sinungitan nya lang ako. The usual Jimmy.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa kwarto. Hindi ko pa naipapadala 'yung pera kela ate Chona.

Binilang ko muna, siguro naman okay lang kung bumili ako ng ticket? Ngayon lang naman diba? Kahit ngayon lang.

Tamang bihis na ko at pinasak sa tenga ko ang earphones ko.

Naglakad lang ako papunta sa bilihan ng ticket, malapit lang naman kasi.

Di naman siguro magagalit si Jimmy.

Napatingala ako sa billboard nila. Ang billboard ng exo. Nanatili ako sa ganung pwesto, binilang ko pa sila. Wala na talaga sya, wala si Kris Wu.

Biglang nagplay ang Hawak Kamay. Nakashuffle pla 'yung playlist ko.

Nanatili akong nakatingala sa billboard. Tumingin ako sa paligid at nakita na may mga tao na kapareho ko ng ginagawa. Lumingon ako sa medyo katabi ko na nakatingala din sa billboard. Matangkad sya at medyo matalim din ang kanyang chin. Parang kay Kris Wu.

Loving My TANGAhanga [EXOx2ne1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon