LMT: VI

140 6 2
                                    

Chapter VI: NEIGHBOR

Gabi na nung lumabas ako ng kwarto. Ayokong magbukas ng laptop dahil mamamatay lang ako sa sobrang inggit lalo na at makikita ko silang nagpopost ng mga pictures ng mga boyfriend ko.

Jong-ina, hanggang kailan ba ko magmumukmok?

Nasa may sofa nanaman si Jimmy with his baklaing-dekwatrong-pag-upo.

"Hindi ka naglunch" emotionless na pagsabi nya. Nakatitig lang sya sa T.V. na hindi naman nakabukas.

"Wala akong gana."

"Nakahanda na yung dinner, kumain na tayo" ganun padin ang itsura nya.

"Jim ikaw nalang, wala akong gana" akmang lalayas na ko sa harap nya ng bigla syang tumayo at hinatak ang braso ko.

"Stop it Cha" he said.

Kunot noo ko syang tinignan. "Lemma mo Jim!?"

"Tigilan mo na 'to"

"Tigilan ang alin!?"

"Itong ginagawa mo"

"May problema ka sa ginagawa ko!?"

Natigilan sya at tumingin sa ibang direksyon. Binitawan nya narin ang braso ko. "Please, stop this" napapikit pa sya habang sinasabi nya yun. Takte, illegal ang pagpikit nyang yan kasi parang nang aakit sya.

Susmee, ikaw ang tumigil Jimmy! Peste ka! "B-bakit nga kasi!? Alam mo na man na mahala--"

"Nagi-guilty ako. So you better stop, please... tapos baka ikaw naman ang magkasakit nyan."

Ngayon ko lang napansin.

Nagsabi sya ng please!?

Sus Guinoo!

Natulala ako sa sinabi nya. Para akong debaterya na nagmalfunction, computer na naghang at online streaming na nagbuffer.

"Cha!"

Bumalik lang ako sa kamalayan ng tusukin nya ang pisngi ko.

"Ano, wala kang kasalanan Jimmy"

"Teka lang, diba may concert pa ngayon!? Bakit di ka pumunta!?" Tumingin pa sya sa wall clock. "Patapos na siguro yun" dagdag nya pa.

Eh siraulo pala 'tong si Jimmy. Kahapon yung concert diba!? Tapos syempre pang kahapon yung ticket. Pakibatukan nga tong damuhong 'to. Nang aasar pa yata, alam na ngang di nakapunta eh.

Nandun na yung imaginations ko na bumait na si Jim pero heto, naligaw yata yung imagines ko, takte lang.

"Nang aasar ka ba Jim!? Alam mo namang wala akong ti---"

"What CHA!?" napahilamos sya ng palad sa muka nya. "Dalawa yung ticket na binigay ko sayo diba!?"

"I know, isasama sana kita kaso--"

"What the heck CHARMAINE!? Hindi ako interesado sa mga lalake mo. Yung ticket na yun pang dalawang araw. 1st and 2nd day of concert yan. Geez, lumuha ka man ng dugo dyan, hindi ako sasama sayo dun. Bakit!? Hindi mo tinignan yung date na nakalagay dun sa ticket no? God Cha" napailing pa sya at napangiwi.

Nanlaki ang mata ko at nagtatakbo papunta sa kwarto at agad na kinuha ng ticket.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH"

Loving My TANGAhanga [EXOx2ne1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon