Chapter 2: Flashback

15 1 0
                                    

Eunice's POV

"Sorry Mama kung hindi dahil sa akin sigurado kasama natin sya ngayon"sabi ko habang umiiyak.

"Ano ka ba Anak.Hindi mo kasalanan ang nangyari ok?? Shhhh stop crying na baby girl.Don't blame yourself"pag-aalo sa akin ni Mama.I hugged her and cried in her shoulder.

"Sorry po talaga,Mama"paghihingi ko ulit ng tawad.

"It's ok baby.Walang may gusto sa nangyari,wipe your tears na"sabi ni Mama.

Everynight,I'm thinking about what happen to him.......my father.He protect us,he protect me from those bad people,dahil gusto nila akong kunin.But I don't know why??

-FLASHBACK-

  

   It was Sunday night.I'm 8 years old that time.Magkakasama kami nila Papa at Mama sa perya,dahil fiesta sa aming bayan.Sumakay kami sa mga rides,naglaro din kami  ng mga games dun.Ang saya nga namin eh.Umuwi rin kami pagkatapos dahil masyado nang malalim ang gabi.Nagkukwentuhan at nagtatawanan pa kami habang nasa biyahe.

  

    Handa na kaming matulog nila Mama at Papa pero nakarinig kami ng pagkabasag ng vase mula sa first floor ng bahay namin.

"Hon,bantayan mo muna si Eunice.Titignan ko lang kung anong nangyayari sa baba"sabi ni Papa kay Mama.

"Sige,mag-iingat ka Hon"paalala ni Mama.Tumango lang si Papa.

Kiniss ni Papa si Mama sa cheeks,pagkatapos ay umalis na.

Pero 15 minutes na ang lumilipas hindi pa rin sya bumabalik.Nag-aalala na kami ni Mama.

Mayamaya ay may narinig kaming kumalabog galing sa baba.Napatayo agad si Mama na halatang kinakabahan.

"Mama what's wrong?? Bakit hindi pa rin po bumabalik si Papa?"naiiyak na sabi ko.

"Baby,dyan ka muna ha.May titignan lang si Mama sa ibaba ah"paalam nya sa akin.

"Mama I'm coming with you.I'm scared here"tumakbo ako sa kanya at nagpakarga.

Walang nagawa si Mama kung hindi ang isama ako.Nang makababa kami ni Mama mula sa hagdan,napansin agad namin yung dalawang taong nakatayo.Nakasuot sila ng black cloak kaya natatakpan ang mga mukha nila.Nakita namin sila na sakal-sakal si Papa.

"PAPA!!!"sigaw ko.

"Ackkk...H-hon ilayo mo si E-eunice d-dito.S-sige na"utos ni Papa kay Mama kahit nahihirapan na syang huminga.

"P-pero--"pagdadalawang isip ni Mama habang umiiyak na rin tulad ko.

"B-bilisan nyo"pagpipilit ni Papa

    Wala na ring nagawa si Mama.Kahit ayaw nyang iwan si Papa ay ikinarga at itinakbo nya ako.Pero bago pa kami makalapit ni Mama sa pintuan,nagpakawala ng isang itim na bolang kapangyarihan mula sa isa sa mga naka-black cloak.Buti na lang hindi kami natamaan ni Mama.Binitiwan naman ng isa pang naka-cloak si Papa sa pagsakal.Ang isa naman ay naghahanda na namang muling umatake sa amin............mali pala!! SA AKIN dahil sa akin nakatutok ang mga kamay nya.

Binitiwan nya na ang kulay itim na kapangyarihan papunta sa gawi ko.Pero bago pa ito tumama sa akin.........nagulat ako sa nangyari.......

"PAPAAAAAAA!!!!"

Si Papa nakahandusay na sya ngayon sa sahig na punong-puno at naliligo na sa sarili nyang dugo.Sya......sya ang humarang sa akin para hindi ako matamaan.Sya ang nasaktan imbis na ako.

Biglang lumindol ng malakas,kumulog at kumidlat din.Basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay poot at galit.

May bumalot at pumaligid sa akin na apoy.Ewan ko ba,pakiramdam ko'y gusto kong magwala.

Tinignan ko yung dalawang naka-black cloak sa kinatayayuan nila pero wala na sila doon.

"Hush now baby stop it.It's dangerous"pagpapakalma sa akin ni Mama.

Dahil sa sinabi nya ay unti-unti akong kumalma.Unti-unti na ring namamatay ang apoy na nakapaligid sa akin.

Mayamaya lamang ay nararamdaman ko na mawawalan na ako ng malay,hanggang sa pumikit na nga ang mga talukap ng aking mga mata.

Then everything went black.............

-END OF FLASHBACK-

"Sige po Mama,punta na po ako sa kwarto ko.Maliligo na po ako,ang lagkit ko na po kasi talaga eh"sabi ko na natatawa.

"Sige,Anak.Haha"natatawa ding sabi ni Mama.

The Princess of the Crystal Kingdom (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon