RT 5

183 36 7
                                    

Nasasaktan ako, alam mo ba yon?
Pilit kong binabaliwala ang mga salita mo
Pero pilit rin silang tumatagos na parang karayom
Ang sakit, sakit ngunit iniinda ko

Ito naman kasi ang paningin niyo sakin diba?
Palaging naka ngiti kahit na sa kaibuturan ko, basag na basag at pira-pirasong kaluluwa na

I'm always pretending

Nagpapanggap

Kambal-tuko ko ito sa tuwing kinakaharap ang mga salitang tumutugis ng pagkatao ko

Karamay sa tuwing binibigyan niyo ako ng masasamang tingin

At sandalan sa tuwing pinag-usapan niyo ako sa likod

Pagpapanggap ang naging karamay ko sa mga sakit na naranasan ko mula sa mga kamay niyo

Pagsusuot ng maskara ang naging tahanan ko upang maging matatag sa paningin niyo

Hindi niyo ba napapansin ang mga mata kong desperadong humihingi ng atensiyon?

Hindi niyo ba pansin ang paghihirap ko sa tuwing pinagkaisahan niyo ako?

Akala niyo'y okay lang ang lahat dahil kada biro niyo tumatawa lang ako

Ngunit hindi niyo alam,
na sa bawat biro niyo,
sa masamang tingin niyo na akala niyo hindi ko pansin

Nandito ako nasasaktan
Nasasaktan hindi dahil sa inyo kundi para sa sarili ko

Hindi ako galit sa inyo dahil galit ako sa sarili ko
Pasensiya na kung mababaw akong tao
Pasensiya na kong nadown kayo dahil sa akin
Pasensiya na dahil sa mali kong prinsipyo o sa pride ko
Pasensiya na kong may kulang ako sa ating pagkakaibigan
Pasensiya na kong marami akong pagkakamali na nagawa na hindi ko nalalaman
Pasensiya na sa lahat ng nagawa ko

Nasasaktan kasi ako
Sana makita niyo yon kahit katiting lang
Kasi baka kung makain ako nitong sakit na tumatagos sa kaibuturan ko

Baka hindi na ako makaahon pa..





🐰Blu
Skyblue Shadow

WHISPERSWhere stories live. Discover now