Chapter 30 Who are you?

5.3K 163 8
                                    


Shreya's(Faye) POV

Sa tagal ng panahon, ngayon ko lang narealize na hindi ko pa kilala ang sarili ko. Totoo na nawala lahat ng mga memories ko nung bata ako, ang alam ko lang ay nanay ko si ate Rea, tatay ko si Jay at kapatid ko si Marielle, pero nang may nangyari sa akin, biglang nagbago ang lahat. Lahat ng pagkatao ko, pamilya ko, kaibigan at ang pagiging buhay ko, bigla na lang naglaho at ito ako ngayon, nagtatago dahil ako ang sinasabi nilang prinsesa ng liwanag, sinusubukang ibalik lahat ng memory ko pero mahirap. 


Pagkatapos kong kumain, nagpahangin muna ako, naintindihan naman nila Talia kaya nandito ako ngayon sa roof top ulit ng bahay namin ni Marielle. Mas gusto ko dito kase tahimik at mahangin, inalis ko din ang suot kong mga fake cosmetics kaya nasa totoo kong sarili ngayon. Namimiss ko na din ang hindi nagpepeke peke sa harapan ng mga tao, sa tuwing inaalis ko ang mga fake cosmetics ko, nararamdaman kong nasa totoong sarili ako.


Habang pinapalipad ng hangin ang buhok ko, di ko sinadyang napatingin sa buhok ko, palihim akong napangiti.


"Ang tagal ko na dito pero di ko napansin na pati buhok ko nagbabago"

Sabi ko sa sarili ko habang hawak ko ang aking buhok. Nagiging kulay blue na siya, parang kinakain niya ang kulay puti ng buhok ko napansin ko na din ang pagiging dark blue color sa dulo ng buhok ko.


"Hey!"


Nagulat ako sa sumigay sa baba at parang nataranta ako ng nakita ko si Zayden sa baba.


"Come down, baka mahuhulog ka ulit diyan"

Hindi ako nakapagsalita habang nakatingin sa kanya sa baba. Pakiramdam ko na baka pagnagsalita ako, mahahalata niya na ako at si Faye ay nag iisa.


"Hey, don't be shy, I won't hurt you"

Nanatili akong tahimik at nag iisip kong bababa ba ako o hindi.


"Trust me, you just need to come down, you will fall again from their"

Seryoso niyang sabi habang nakalahad ang kamay niya sa akin. Hindi naman ako makakatakas sa kanya kaya no choice, kailangan kong harapin ito. Huminga muna ako ng malalim at tsaka lumipad pababa, natutunan ko na ring lumipad dahil sa pag ensayo namin nila Elinoi.

"What's your name?"

Napahinto ako sa tanong niya, wait, sasabihin ko ba yung totoo kong pangalan? 

"I-I'm, Sh-.......Shre......Shre-........"

Shocks, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya, baka malaman niya na ako yung prinsesa ,na ako si Shreya Scarlett.


"Ok lang kung ayaw mong sabihin"

Napatingin ako at sa walang dahilan akong napangiti sa kanya.

"Anong ginagawa mo sa taas? Mukhang malalim ang iniisip mo"

"Nagpapahangin lang ako"

Nagulat ako nang nalaman kong kinakausap ko siya...


Kahit minsan talaga, traydor ang bunganga ko.


Hidden Princess of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon