Chapter 63 Revelation

2.4K 64 36
                                    


Shreya's POV

Pagod.....



Pagod at nanghihina ang katawan ko, mukhang masyadong maraming kapangyarihan ang ginamit ko. Lalo na't kakalabas ko lang ng hospital ng Elemental Academy tapos muli kong ginamit ang kapangyarihan at ngayon, babalik ulit ako sa hospital pero iba na ngayon, mulat na mulat ang mga mata kong papasok sa hospital...


Wow! Improvement!


Kapag kase nadadala ako sa hospital, laging tulog.


"As soon as we arrive, go and rest ok?"

Bilin sa akin ni Zayden habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Kasalukuyang nasa carriage kami papunta sa academya. Tumango na lamang ako sa sinabi niya.


Ang lupet namin noh? Ni hindi kami nag-aminan o walang nangyaring confession pero tignan niyo kami ngayon, tahimik na nagmamahalan.


"Hindi ka ba matutulog? Masyadong pagod na yang katawan mo."

Nag-aalalang saad niya, napangiti ako sa ikinikilos niya, halatang nag-aalala siya. Napatingin ako sa mukha niya nakaharap sa bintana habang tinatanaw ang mga dinadaanan naming mapunong gubat.


"Ang daldal mo ngayon ah, don't worry ok lang ako"

Hindi ko maiwasanag makilig sa itsura namin ngayon, nakokornihan ako pero gustong gusto ko naman.


"Nag-usap ba kayo ni Marielle?"

Napatigil ako ng binanggit niya ang pangalan ng guardian ko.


Kamusta na kaya siya? Miss ko na siya, ilang araw na kaming hindi nagkikita, gising na kaya siya?

"I want to meet her, hindi pa kase kami nag-uusap"

Kapatid ko siya sa human world pero kahit hindi kami magkadugo, tinuturing kong kapatid si Marielle.


"Gising na siya, nakita namin siya bago ka naming niligtas, mukhang malalim ang iniisip niya"

Gumaan ang damdamin ko nang nalaman kong gising na siya.



"Ehem, mukhang nag-eenjoy kayo ng kapatid ko"

Napataas ang kilay kong napatingin kay kuya na nakangising nakahawak sa kamay ni ate Janely, tignan niyo ah, N-A-K-A-H-A-W-A-K. Tsk, parang hindi daw nag-eenjoy si kuya.

Napatingin ako sa ibang mga kasama namin at ang mga loko nakangisi.


"Mukhang ikaw din kuya Kevin nag-eenjoy."

Nakangiting sinabi ni Zayden habang nakatingin kay kuya.


"Siyempre! Si Jana ko ito eh!"

Agad na binatukan ni ate Janely si kuya.


"Yah! I told you not to call me Jana"

Hidden Princess of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon