Chapter 48 Back To The Academy

3K 87 14
                                    


Someone's POV

Hindi ako makatulog ngayong gabi, kaya napagpasiyahan kong puntahan si Prince Jun sa kulungan. Nandito ako ngayon sa isang lagusan, short cut ito papunta sa kulungan. Nang nakita ko ang gate ay nagtataka ako kung bakit maingay, agad akong nagtago sa madilim na parte at sinilip kung ano ang nangyayari.


Nagulat ako ng makita ko ang mga guardians ng mga royalties na nakikipaglaban kay...


Oh shoot, bakit siya pa? Bakita siya pa ang kinakalaban ng mga guardians?


"Vin!!"

Nagulat ako ng sumigaw si Marielle papunta kay Vin na natamaan ng- Deadly arrow!

Napatingin ako kung saan nanggaling ang arrow at nanlaki ang mata ko ng hindi lang siya ang nag-iisa.

This is bad, base sa mga nakikita ko, sinusubukang iligtas ng mga guardians si Prince Jun, pero bakit wala ang mga amo nila? Bakit wala ang mga royalties?


"M-Marielle, b-buksan niyo a-ang gate"

  Nahihirapang sinabi ni Vin  

Gate? Pero imposibleng sila ang papasok kase bantay sarado na sila.


"Sa tingin niyo maliligtas niyo ang prinsipe, ha! Nagkakamali kayo"

Mayabang na sabi niya at napatingin kay Marielle habang ang isa ay pinapatama ang mga ibang guardians.

Susugod na sana si Marielle ng natamaan siya sa dibdib.


I have to do something.

"Umalis na kayo!! Buksan niyo ang Gate!!!"

Sigaw ni Marielle pero huli na ang lahat, lahat sila ay natamaan, nakita ko si Marielle na sinusubukang sirain ang gate gamit ang hangin pero natamaan na naman siya ng deadly arrow sa likod.


"Tsk, tsk, tsk, mga weak"

Napailing - iling na sabi niya.


"Dalhin natin sila kay reyna, sigurado akong matutuwa siya"

Malademonyong sinabi niya habang nilalaro ang mga deadly arrows niya. Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at ginamit ang ngisi kong pang demonyo.


"Hahahaha, magaling magaling!"

Nakangisi kong sinabi habang nagpapalakpak, kailangan kong kunin ang mga guardians sa madaling panahon para hindi ito makakapunta sa reyna.


"Oh ho ho ho! Nandito ang serbante ng reyna"

Nakakalokong sinabi niya habang nakaupo sa walang buhay na katawan ni Vin.

"Tsk.... Shut up, kahit na nagtagumpay kayo, may mali kayong ginawa"

Nakangisi kong sinabi at agad na nagtaka ang dalawa sa sinabi ko.


"Hindi kayo nagpakita sa reyna na nakabalik kayo at may karapatan pa kayong makipaglaban sa mga guardians? Tsk, tsk, tsk, sigurado akong magagalit yun pagnalaman niyang nakipaglaban kayo na hindi nagpapakita sa kanya"

Hidden Princess of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon