Chapter 60 Captured 2

2.4K 53 9
                                    


Shreya's POV

"Hahaha! Kim nahuli kita!"


"Awww, anubayan, ako yung mauuna"

Napatawa kaming mga royalties na nakaupong nanonood sa mga bata na naglalaro ng 'out-outan'. Napag-isipan namin na ipahayag nila ang kanilang mga natutunan na bagong taktika galing sa mga tinuro namin.

Si Zayden ang napili naming magbibigay ng puntos sa mga bata at ang naunang nahuli ay si Kim, kailangan niyang mahuli ang isa sa kanilang mga kaklase gamit ang mga bagong taktika na natutunan nila. Ngunit, hindi pwedeng gumamit ng kapangyarihan ang mga batang hindi taya sa laro, ang taya lamang ang maaaring gumamit ng kapangyarihan.


"Oh, mukhang makikita natin ang mga tinuro mo sa kanya Lila, hehehe diba skilled fighter si Lila? Baka kung ano ang tinuro mo sa kanya na nakakadugo sa utak-aray!"

Dahil sa kalokohang sinabi ni Allen ay nakatikim siya ng malakas na batok kay Lila.


"Anong nakakadugo sa mga tinuturo ko ah?!"


"Totoo kaya yun, pagtuturuan mo kami ng bagong taktika sa physical battle, dumudugo utak ko na parang math ang tinuturo mo, ni wala nga akong maintindihan sa mga sinasabi mo"

Naiinis na sabi ni Allen habang nakahawak ang isa niyang kamay sa batok niya at mukhang masakit talaga iyon base sa itsura niya.

"Kasalanan ko bang hindi ko alam kung paanong magturo?"


"Shhhh nga kayong dalawa, magsisimula na ang laro ng mga bata"

Pagpapatahimik ni Talia sa dalawa at tumingin sa mga bata na naghahanda.


"Are you ready Kim?"

"I was born ready!"


"Then show them what you've got!"

May diin na sabi ni Lila. Ilang minutong naghihintay ang mga bata sa susunod na gagawin ni Kim, walang kahit sino ang umimik at mariing tinitignan ang gagawin ni Kim. Napangisi ako nang tahimik na kinokontrol ni Kim ang tubig papunta sa likod ng mga bata, hindi mo mapapansin ito dahil hindi gumagalaw ang katawan ni Kim. 

Namangha ako sa bilis na kilos ni Garen na agad niyang ginamit ang wooden sword sa paghati sa tubig na papunta sa kanya. Wala pa isang segunda ay agad na nagsikilos ang mga bata papalayo sa tubig na nasa kanilang likuran.


"Ishhh! Pasali ka na lang lagi Garen!"

Inis na sabi ni Kim at tumakbo ng mabilis palapit sa mga kaklase niya.


"Hand body sculpture"

Mahinang sinabi niya at may namuong malaking kamay sa harapan ng mga bata.


"Hand body sculpture technique ang isa sa mga tinuruan kong mahirap sa kanya ngunit, nagawa niyang bunuo ng kamay gawa sa tubig. Magaling"

Mukhang proud na proud si Lila kay Kim, kailangan ng malakas na kapangyarihan para makagawa ng isang body sculpture at kailangan mo ng isang linggo para makuha mo ito ngunit sa lagay ni Kim ay mukhang madali lamang ito sa kanya.


Nagulat ang mga bata at mabilis na lumayo sa higanteng kamay na gawa sa tubig.

"Wahhh! Monster! Hahaha!"

Hidden Princess of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon