Chapter 65 Reaching Her

1.8K 53 25
                                    


Lila's POV

Kasalukuyang pinag-uusapan namin ang plano ngunit hindi kami makapaniwala na si Shreya ang kausap namin.


Ibang iba si Shreya na kilala namin noon, masyado siyang seryoso ngayon at ang lamig ng boses niya.


"Alright, that's all... Make sure to wake up early tomorrow, pag late kayo sa training, I will do the plan by myself, got that?"

Nanigas kami sa sinabi niya at paulit ulit na tumango ako sa kanya, ayaw kong gawin niya lahat ng naplano nang mag isa.

Walang pasabi siyang lumabas at naiwan kaming nganga...


"Please understand her... She is starting to prioritize her role as the princess"

Malungkot akong napatingin kay kuya Kevin, kitang kita mo ang lungkot at pag aalala ng isang matandang kapatid. Hindi namin siya masisisi dahil magkadugo sila at mahirap sa kanya lalo na kay Zayden.


"And also.... She remembered everything"

Gulat kaming napatingin kay HM.


"N-naalala na niya?"

Nakikita sa pagmumukha ni Janely ang kasiyahan, napangiti din ako sa nalaman ko. Kahit papaano ay nawala ang lungkot namin dahil sa nalaman namin.


"Yes, nakakagulat noh? Masaya ako at bumalik na lahat ng alaala niya at mukhang kilala niya ang totoong kalaban."

Napakunot ang noo namin sa sinabi niya.


"Anong ibig mong sabihin?"

Tanong ni Ray at mukhang importante ang sasabihin ni HM.


"I am glad that her memories are back because, kilala na niya ang totoong kalaban at ngayon niya lang ito sinabi sa amin dahil hindi siya naniniwala nung bata pa lamang siya ngunit, dahil sa paglaki niya at sa lahat ng mga naranasan niya, totoo ang kanyang nalaman. I'm sorry, I can't tell you everything yet dahil gusto kong siya mismo ang magsasabi sa inyo."

Napatingin kami sa isa't isa na may ngiti sa mga labi.


"Go and get her back, but don't expect for her to change"


"Yes ma'am!"

Dali dali kaming lumabas at dumiretsyo sa bahay nila, plano naming kumain dun at matulog na din. Sobra sobra ang kasiyahan naming lahat dahilan ng pagbunga ng pag-asa sa aming mga puso para kay Shreya.


Agad din naming sinabi lahat kay Marielle at kitang kita ang pagliwanag ng kanyang mukha at nandito siyang kasama kaming mga babae na nagluluto.


I hope lalabas si Shreya sa kwarto niya.





Zayden's POV


Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ko ngayon dahilan ng pagbigay ng determinasyong muling lumapit sa kanya.

Hidden Princess of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon