Chapter 70 Training with Love

2.7K 47 6
                                    


Talia's POV

Bukas na ang kaarawan ni Shreya pero di ko alam kung bakit parang may masamang mangyayari.


Everything is planned kaya imposibleng may mangyayaring masama, tama, walang mangyayaring masama bukas. Baka guni guni ko lamang ito.


"Hoy Talia!"


"Waahh!! Yung puso ko!" Gulat na sigaw ko habang napahawak ako sa dibdib ko. Masama kong tinignan si Allen na may nakakalokong ngiti.


"Bakit? May problema ba sa puso mo? Wag kang mag-alala, I will catch your fallen heart." Namumula kong hinampas ng mahina si Allen sa braso at tumalikod sa kanya.

" Hahaha ang cute mo talaga Talia ko." Masayang sinabi niya at pinisil ang dalawa kong pisnge...


"Allen!! Mashakit!" Napabitaw naman siya sabay hawak ko ang dalawang namumulang pisnge ko.


Napatahimik kami ng marinig ang malakas na sigaw ni Shreya sa sentro ng field kung saan nag-eensayo ang mga studyante at mukhang tinotorture na naman ni Shreya ang mga studyante.


"Buti na lang at hindi ako isa sa mga studyante diyan, grabe kung makaturo si Shreya." Tinititigan ko si Shreya na blanko ang mukha niya.


Hindi parin kami sanay sa pagbabago niya, namiss ko yung mga ngiti niya at ang mala-anghel niyang tawa.

"Oh? Ganyan na naman mukha mo, kanina ka pa ah." Nagtatampong sinabi ni Allen, ngumiti na lamang ako at yumuko.


Opposite talaga kami ni Allen, happy-go-lucky siya habang ako, mahiyain kagaya na lang ng isang clam.


"Alam mo, ayaw ko sa mga kagaya mo." Napaangat ang mukha ko sa sinabi ni Allen na ngayo'y seryosong nakatingin sa akin.


Ouch, tagos yun ah. Oo alam kong hindi ako palasalita at laging nahihiya.


"Pero iba talaga ang puso, minahal ang isang katulad mong mahiyain." Nagulat ako sa sinabi niya, naramdaman kong namumula na naman ang pisnge ko, confession ba yun?


"Mahal kita Talia." Natigilan ako sa sinabi niya, kahit gusto kong magsalita pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Ilang minuto ang lumipas at mukhang hinihintay niya ang sagot ko.


"Hindi kita pipilitin ngayon pero maghihintay ako kahit tumanda tayo."

Gusto kong magsalita Allen pero wala eh, ayaw akong pagsalitain ng bibig ko.


"Hoy magsalita ko naman oh, wag kang ganyan, kung irereject mo ako dapat magsalita ka hindi yung-" Natigilan siya nang niyakap ko siya, pesteng bibig bumuka ka kase.


"Please don't make me expect that i can make you mine. Talia, wag mo akong ginaganito, alam kong nireject mo na ako, oo alam ko yun tanggap ko lang pero please lang, wag mo akong ginaganito baka hindi ako magdadalawang isip na pilitin kitang mahulog sa akin." Napangiti ako sa sinabi niya at lalong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

Hidden Princess of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon