A/N
most of the scenes revolve around, food,,, mahilig kasing magluto at kumain si author...
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
madalim pa ang paligid ng unti unti ng nagigising ang diwa ni aly... nakapikit parin ang mata nya pero ang matamis na ngiti sa kanyang labi ay naroon na dahil ramdam niya sa kanyang bisig ang mainit na yakap ni den...
aly
napakasarap gumising sa umaga kung siya ang kasama... kung iisipin minsan sa punto ng buhay ko eh mas ginusto ko pang di na muling dumilat pa... sa taong nagdugtong ng buhay ko salamat dahil sayo nakilala ko ang babaeng ito... hahanapin ko ang mga mahal mo sa buhay para naman makaganti ako sa kabaitan at sa pangalawang pagkakataon na binigay mo sakin... sorry at kinailangan mong mamatay para mabuhay ako... lord paki sabi sa kanya salamat sa puso, matagal na kong nglalakad ng walang direksiyon ngayon nakita ko na ang ilaw kung saan ako dapat tumungo... salamat po at pinagtagpo niyo kami ng landas ni den...
hinigpitan ni aly ang yakap kay den habang hinahaplos ang buhok at mumunting halik sa noo...
den- hhhhmmmm,,, ly,,,,
aly- ssshhhhh,,, matulog ka pa, tatayo na ko para maayos ko ang almusal natin...
den- tulungan kita....
aly- wag na boss, pahinga ka para mamaya madami kang energy, fiesta ngayong weekend dito kaya madami tayo papasyalan ha...
tatayo na sana si aly ng hinigpitan ni den ang yakap niya...
den- good morning.... kiss sa lips
aly- good morning din boss.... kiss sa lips at tumayo na...
inumpisahan na ni aly ang morning ritual niya, ligo, toothbrush, bihis,,, pagkatapos ay bumaba na ito papunta sa kusina akama nmn nandun na si inday...
inday- oh aly ang aga mo gumising? madilim pa.... gusto mong kape?
aly- cge ate,,, gusto ko kasing pumunta sa palengke para bumili ng mga pagkain...
inday- wag ka ng magalala inutusan ko na si tonyo na kumausap ng mga mangingisda para bagong huli ang iluluto mo..
aly- ayos yan,,,, eh panu yung sa almusal?
inday- nakapag babad na ko ng tapa diyan, meron na din tocino at longganisa pati na rin pinatuyong pusit at dilis... yung mga prutas naman na binilin mo andiyan na din...
aly- salamat ate... umpisahan ko ng magluto para nmn pag gising nila ay my nakahanda na...
naging abala sa pagluluto ng almusal si aly.... habang iniisip ng magandang pagkaabalahan ngayong araw... natapos ng magluto si aly at ihahanda na niya ang lamesa...
oriental fried rice, tapa, tocino, longganisa, dilis, pusit, sunny side up egg, hiniwang kamatis at itlog na maalat, mainit na chocolate batirol, kape, manggang hinog, pinya, papaya.... ang mga platong kahoy ay nilagyan pa ng dahon ng saging,,, ng matapos siya maghanda umakyat na siya para gisingin si den at mgasawa...
-----------------------------------------------------------------------------------------
den
nagising ako na wala si aly sa tabi ko kahit ganun man my ngiti pa rin sa aking mga labi dahil nagpaalam na siya sakin kanina at binigyan na ko ng matamis na morning kiss...
ang sarap sa pakiramdam ngunit di parin maalis ang takot sa puso ko... ayaw ko ng maulit ang nakaraan, wala akong planong pumasok sa isang seryosong relasyon,,, gusto ko casual enjoy the moment, nothing serious, ok nmn siguro yun ke aly... enjoy ko nalang muna kung anong meron... ill cross the bridge when i get there...
BINABASA MO ANG
paired hearts
FanfictionLahat tayo ang hanggad ay matagpuan natin ang taong nakatakda nating makasama habang buhay... We find ourselves searching blindless through life hoping that we meet our half and we feel incomplete until we have found the one... friends this is a st...