Seventh Entry: Stay Close, Don't Go

73 3 0
                                    

Stay Close, Don't Go

Genre: Romance

Prompt: The Tragic End of a Cycle

I can hear someone calling out my name. "Hazel." That voice. Ang lamig.

Hinanap ko kung saan nanggagaling yung tawag. Lumingon ako sa aking likuran, wala. Ngunit sa ginawa kong paglingon kanina'y may nahagip ang mga mata ko. Sa bandang kanan, may nakatayo doon. Hindi ko siya masyadong makita dahil nasa medyo madilim na lugar siya nakatayo.

Unti-unti siyang lumapit sa'kin. Bakit ako kinakabahan? I mean, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nang makalapit na siya sa'kin ay agad kong nasilayan ang mala-close up niyang ngiti. Ang mga ngipin niyang pantay-pantay at ang mala-adonis niyang pagmumukha’t pangangatawan. Oh my god! Napanganga ako dahil sa kagwapuhang taglay niya.

"Hazel." Banggit niya uli sa pangalan ko.

"Ba..bakit?" Sabi ko na hanggang ngayo'y hindi parin makapaniwala sa nakita. I mean, he's too good to be true.

"Maligayang bagbabalik." Sabi niya. Teka, ano raw? Maligayang pagbabalik? Ako?

Napakunot-noo  ako sabay sabi, "Huh? Hindi kita gets?"  At yung kaninang mga ngiti niya'y biglang napalitan ng pagkalungkot.

"Nakalimutan mo na ba ako?" Ngumiti siya ng pilit tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. "Ako 'to si Zelle, ang boyfriend mo."

Nabingi ata ako sa sinabi niya. Boyfriend? Siya? Paano? Ugh, naguguluhan ako. Dahil sa mga oras na ito, sobrang dami ng katanungan na nasa isip ko na alam kong siya lang ang makakasagot. Kaya minabuti kong tanungin siya tungkol dito.

"Ano, Zelle." Pagkasabi ko ng pangalan niya ay bigla siyang ngumiti, yung ngiting wala ng bukas. "Hehehe, hi..hindi kita kilala e. Sorry." Nawala ang ngiti niya. Napayuko siya at naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Ops, mali ba iyong nasabi ko?

Nag-angat uli siya ng ulo. Nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan at...panghihinayang? Hindi ko alam pero bakit ako nasasaktan sa pinapakita niyang ekspresyon.

May tinuturo siyang lugar kung saan pwede kaming umupo. Sinundan ko siya. Nasa likod niya ako habang siya nama'y nasa unahan ko. Matipuno ang kanyang pangangatawan. Hindi naman siya gano’n ka laki, katamtaman lamang. Ang tangkad niya rin, mga 6"9 ata. Nauntog ako sa likod niya buhat ng kanyang biglaang pagtigil.

"Sorry. Ok ka lang ba?"Nag-aalala ang tono ng boses niya. Tumango lang ako.

Nang makarating na kami sa lugar na kanina’y kanyang tinuturo ay agad siyang umupo sa dahuman. Ang ganda naman dito. Nasa tabing ilog kami na napapalibutan ng magaganda't iba't ibang klase ng mga bulaklak. This place is a paradise. Sa tanang buhay ko, hindi pa ko nakakakita ng ganito kagandang lugar. It was so breath-taking. Ang lamig pa ng simoy ng hangin. Parang nasa probinsya lang malayo sa maingay, magulo at mabahong syudad.

"Zelle, paano kita naging boyfriend?" Bigla kong tanong sa kanya. Na curious kasi ako e. Nagulat siya sa tanong ko ngunit agad namang napalitan ng ngiti. Tila may inaalala siyang bagay kaya napangiti siya.

"Talaga bang hindi mo na naaalala?" He clears his throat first and continue. "Naging mag on tayo 2 years  ago. We used to be the perfect couple in the school. Lahat ng mga mata nakatuon sa'tin. Sa madaling sabi, sikat na couple tayo noon. "

Wala akong ideya sa mga sinasabi niya. Like seriously, we used to be the best couple way back then. But why? Why is it na wala akong matandaan. Hindi naman ako nagka-amnesia. Tsaka ang mukha niya, ngayon ko lang talaga nakita.

"Pero dumating ang araw na naghiwalay nga tayo." Natigilan siya sandali at tila nagdadalawang-isip kung itututloy pa ba niya. Parang may kutob ako na ang susunod niyang sasabihin ay kung bakit kami naghiwalay. At sa nakikita ko, kahit ayaw niyang sabihin, walang siyang magagawa.

"Bakit? Bakit tayo naghiwalay? Pa..paano?” Kinakabahan kong tanong. Natatakot akong malaman ang dahilan. Para bang may nagsasabi sa'kin na 'wag nang ituloy dahil sigurado akong masasaktan ako.

Ngumiti siya ng pilit tsaka nagsalita. "Hindi ko alam."

Ano raw? Hindi niya alam? Walang rason kung bakit kami naghiwalay? Napakunot noo ako sa narinig. "Paanong wala?"

In every relationship may mga rason kung bakit ang magkasintahan ay naghihiwalay. ‘Di naman pwedeng wala. Tsaka malabong walang dahilan diba?

Instead of answering me, he just smiled at tumayo. Inistretch niya ang kanyang katawan bago magsimulang humakbang. Wait. Teka, saan siya pupunta? Tinawag ko siya ngunit para bang wala siyang naririnig. Patuloy lang siya sa paglalakad. Nang di pa siya nakakalayo'y, lumingon siya sa direksyon ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

“No stop! Please stay close, don’t go… Zelle.”

Hinabol ko siya. Pero bakit gano'n? Ang layo na niya samantalang naglalakad lang naman siya samantalang ako'y tumatakbo ngunit hindi ko parin siya magawang abutan. I give up. Hingal na hingal na ako. Napa-upo nalang ako. Bakit? Bakit ka umalis Zelle? Tsaka bakit ako nasasaktan. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Basang basa ako at nagugulahan parin sa mga nangyayari.

Nasaan ba ako? Saang lugar ako naroroon? Bakit wala man lang ni isang tao dito?

"MISS MONTESCLAROS!"

May tumatawag sa'kin. May nakikita akong liwanag sa di kalayuan. Unti -unti akong hinihigop nito. Nakakasilaw.

Bakit ko naririnig ang boses ni Miss Dulce. Naramandaman ko na may umaalog sa'kin. Minulat ko ang mga mata ko. At sa gulat ko ay napatayo ako ng di oras. Nakita ko si Miss Dulce na nag-aapoy sa galit.

"Aren’t you inform Miss Montesclaros na bawal matulog sa klase ko. Now, I.WANT.YOU.OUT!" Natataranta kong niligpit ang mga gamit ko at tumatakbong  palabas ng silid. Phew, ang terror niya talaga. Palibhasa natandang dalaga.

Bigla kong naalala ang panaginip ko kanina. Zelle. Napahagulhol na lamang ako sa nangyari. Tama siya, walang rason ang paghihiwalay namin, dahil namatay siya at hindi ko matatawag na rason iyon.

Ano nga ba ang pinakamasakit na ending sa isang relasyon? Para sa'kin, ang mawala sa'yo iyong taong pinakamamahal mo na alam mo sa sarili mong hindi na siya pwedeng bumalik pa. Ni hindi mo siya makikita ni makakausap pa. Wala ka nang babalikan pa. You can't chase a dead person anymore.

Siguro Zelle, malungkot ka ngayon dahil nakikita mo akong lumuluha na naman. Hindi mo ako masisisi Zelle, sobra kasi kitang mahal at hanggang ngayon hindi parin ako tuluyang nakakamove on. Two years na ang lumipas ngunit ito parin ako, muling binabalik balikan ang masasayang alaala nating pinagsaluhan.

Zelle, kung nakikita mo 'ko ngayon, please I want you to Stay Close and Don't Go hanggang sa di pa ako nakakamove-on.

At biglang humangin ng malakas.

 

"I promise."

Filipino Short Story Writing CompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon