Ninth Entry: I am Invisible

113 2 1
                                    

 I am Invisible

Genre: Romance

Prompt Choice: Invisible

 I am Charvien Klein Gatchalian. I’m not a good person, I know. I want to live on my own. I don’t need help came from everyone. Wala akong kilala kundi ang sarili ko. Lahat ng tao sa paligid ko? I treat them as invisible. At sila nama’y ganun din sakin.

   Nabuhay akong ganito, walang magulang, walang kaibigan. Iniwan ako ng mga magulang ko sa basurahan. Doon ako napulot ng mga madre’t dinala sa ampunan.

 Doon na ao lumaki at nabigyan ng pangalan. Walang nagnais na umampon sa akin. Sapagkat sa bawat pagkakataon na na may nagnanais na ampunin ako ay gumagawa ako ng kalokohan.

 Galit ako sa mundo, marami akong katanungang hindi masagot-sagot. Bakit nila ako iniwan? Bakit sa ganoong paraan? Hindi ba nila ako mahal?

 Hanggang sa isang araw, labing anim na taong gulang na ako noon. Nakaupo ako sa isang bench sa playground ng ampunan. May lumapit sa aking babae. Hindi sya pamilyar sa akin. Siguro ay bagong dating lamang. Sa aking tingin ay pareho lamang kami ng edad.

 Lumapit sya sa akin at nagwika, “Mukhang malalim ang iniisip mo. May problema ka ba? Anong pangalan mo?”. Tiningnan ko lamang sya na parang walang narinig. Aalis na sana ako pero may kamay na pumigil sa braso ko at nagsalitang muli. “Alam mo bang iniwan ako ng nanay ko dito? Ang sabi nya, babalikan nya ako. Pero malakas ang pakiramdam ko na hndi na sya babalik. Pero sa kabila nun, naniniwala pa rin ako na hindi nya ako kayang pabayaan. Sabi nga nila, walang inang nakatitiis sa anak.”, ngumiti sya ng matamis pagkawika.

 Sa mga ngiting iyon, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na ngayon ko lamang naramdaman.

 Ngunit hindi ako nagpadala sa damdaming iyon. Bagaman alam kong ang mukhang iyon, ang matangos na ilong at ang mga labing tila perpektong nakaukit sa kanyang mukha ay kailanma’y di ko na malilimutan. Pero kailangan ko munang isakatuparan ang kagabi pang nakaplano kong pagtakas.

 Gusto ko syang makasama at makilala. Ngunit alam kong wala akong magandang bubukasin kung mananatili ako sa ampunan. Pangako. Babalikan ko sya sa tamang panahon.

 Tuluyan na akong naglakad palayo sa kanya. Ngunit hindi pa man ako nakalalayo ay may narinig pa akong malamyos na tinig na nakapagpalusaw sa aking puso. “Ako si Ciara Grace Mayumi, sana’y tandaan mo.”

 Nagtagumpay ako sa ginawa kong pagtakas. Marami akong hirap na pinagdaanan sa labas ng ampunan. Natiyak  kong hindi talaga madali. Ngunit ginawa ko ang lahat na halos kayod kalabaw upang makatapos ng pag-aaral.

 Sa kabutihang palad nama’y nakatapos ako hanggang kolehiyo sa kursong Engineering. Nagsimula akong magtrabaho sa isang kompanya. Sa inaasahang sitwasyon ay nalagay sa mababang posisyon. Sa sipag sa trabaho ay napromote at nakaipon. Di nagtagal ay nakapagtayo ng sariling kompanya. Noon ak o naniwala, walang imposible. Eh ang makita kaya syang muli? Hindi rin imposible?

 Binalikan ko si Ciara sa ampunan, pero wala na sya. Ipinahanap sa private investigator, ngunit sa malas ay napatay ito sa isa pa niyang misyon.

 Sa kabila ng aking mga nakamit ay nanatili akong tulad ng dati, INVISIBLE.

 Noon ay nakaupo ako sa swivel chair sa aking opisina. Hinihintay ko ang bagong hire na Architect upang makita ang kanyang plano sa project namin. Ang totoo ay ngayon ko pa lamang ito makakaharap.

 Ilan pang sandali at  dumating din ito. Pagkalabas ng pinto, ay di inaasahang tao ang nakita ko. Isang tao na matagal kong hinanap at ngayo’y nasa harapan ko. “Ciara”, nawika ko.

 Ngunit sa aking kabiglaanan, ngumiti ito ng masigla. “Klein, ang tagal kitang hinanap. Hindi ako makapaniwalang nasa harap na kita ngayon.”

 Nginitian ko lamang sya at sinabing magsimula na sa trabaho. Hindi ko gustong bigyan sya ng cold treatment. Ngunit nasanay ako na trabaho muna, bago ang lahat.

 Matapos ang trabaho ay inaya ko syang kumain sa labas na di naman nya tinanggihan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang kasiyahan, na kailanma’y di ko pa naramdaman sa tanang buhay ko.

 Iyon ang naging simula ng masaya naming pagsasama. Ang dating di marunong ngumiti ay natuto. Ang taong invisible ay nakita at nakilala. Dahil sa kanya, dahil sa babaeng una’t huling nagpatibok sa puso ko.

 Ang mga halik na aming pinagsaluhan sa gitna ng magandang sunset na sabay naming pinanuod at syang tumuklas sa aming wagas na pagmamahalan.

 Ang mga salitang nasabi na na kahit anong mangyari’y alam kong di ko malilimutan. “Klein mahal kita noon pa man. Sana parati kang nandyan para sa akin. Ikaw ang una’t huling lalaking mamahalin ko, pangako yan.” Sinagot ko naman sya, “Kailanma’y di kita pababayaan. Ipagtatanggol kita, kahit buhay ko ang kapalit. Mahal kita, higit sa pagmamahal mo.” Doon ay muling naghinang ang aming mga labi.

 Ngunit isang araw, nasa kotse kami at nagtatalo kung saan ba ang magandang puntahan.

 Gusto ko sanang magpahinga na lamang muna dahil pagod ako. Pero patuloy pa rin ang pangugulit niya at nagpapacute pa. Gusto niya kasing pumunta sa Enchanted Kingdom.

 Di ko sya matiis kaya’t nanghihina ang loob na bumaling ako sa kanya. “Fine, you win.” I said. Tuwamg-tuwa nya akong niyakap. Ngunit ng muli kong ibaling ang tingin sa daan ay may humaharurot na truck ang nagbabadyang bumangga sa amin. Wala akong ibang insip kundi ang babaeng pinakamamahal ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at siniguradong secure ang kanyang ulo. Doon ay naramdaman ko ang mga bagay na tumusok sa akin. Sinalo ko ang mga bagay na dapat ay sa kanya mapupunta.

 Ngayon, alam kong masaya na syang namumuhay. Sampong taon na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon. Nakaligtas sya, at ako ay hindi.

 All of my hard work gone. Pero wala akong pinagsisisihan.

Bumalk akong muli sa pagiging invisible. Walang nakakakita, walang nakakakilala. This time, I know it is permanent. Ngunit alam kong sa puso nya at sa puso ng anak namin, ako ay naroon.

 I am invisible, but happy waiting for them. Hindi kagaya noon, invisible na walang kabuhay-buhay.

 Naiwan ko man sya, nabigyan ko naman sya ng anak na alam kong hindi sya pababayaan.

 Masaya na ako na nakikita silang masaya. Alam kong alam nila na nandito lang ako, nakamasid sa kanila. Tinitingnan sila ng buong pagmamahal.

Filipino Short Story Writing CompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon