First Entry: Katapusan ng Simula

229 4 14
                                    

KATAPUSAN NG SIMULA

Genre: Romance

Prompt Choice: Invinsible

Gusto kong mapamura nang makitang ilang minuto na lang bago ang unang kalse ko. Hindi ako pwedeng mahuli dahil mahigpit ang propesor ko doon. "Para po!" Malakas na sigaw ko at madaling bumaba sa jeep.

Dali dali akong tumakbo patungo sa gate ng pinapasukan kong unibersidad. Hindi ko mapigilang mapamura ng mahina ng makita ko ang may kahabaang pila sa entrance para sa inspeksiyon. Mabuti na lamang at dalawa ang guwardiyang naroon kaya kahit papaano ay naging mabilis ang usad.

Ngunit hindi yata talaga ito ang araw ko. Sa harapan ko'y naroon ang isang lalaking matangkad, moreno, nakasalamin at may magagandang mata. Malaya ko siyang napagmasdan dahil abala siya sa pagpapainspeksiyon ng mga dala niyang gamit. Dapat ay mainis ako. Napakarami niyang dala kaya't natagalan sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin. Nabalik lamang ako sa huwisyo ng sabihin ni Manong na nainspeksiyon na ang gamit ko. Noon ko lamang din naalala na mahuhuli na ko. Nagmamadali akong naglakad patungo sa gusali kung saan naroon ang silid namin.

Akmang kakatok na ako nang makuha nang lalaking nakatayo sa harap ng pinto ng kabilang silid ang atensyon ko. Siya rin yung lalaki kanina sa entrance. Nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko kahit na nakapasok na siya sa loob.

Gumuhit ang sakit sa dibdib ko na agad kong binalewala. Kumatok ako sa pinto ng silid ko saka iyon binuksan. Naabutan kong maingay at masayang nag-kekwentuhan ang mga kaklase ko kaya't napatingin ako sa harapan. Wala roon ang propesor namin at sabi ng presidente ng klase ay maysakit daw ito.

Nagpasalamat ako sa kanya at dumiretso sa library, hindi para mag-aral kundi para mag-muni muni at hintayin siya. Isa't kalahatin oras lang naman ang klase niya at pagkatapos nito'y wala siyang klase sa susunod na tatlong oras. Alam ko ang schedule niya dahil magkakurso kami at pareho ng schedule.

Napabuntong hininga ako at inilabas ang isang notebook ko. Ito na muna ang gagawin ko habang wala pa siya. Nagsimula na akong isulat ang mga naiisip ko.

"Ngayong araw na ito ang ika tatlong raan at animnapu't limang araw mula nang araw na iyon. Mula nang mawala ang kahit na anong bagay na nag-uugnay sa amin. Kanina, naitanong ko sa sarili ko kung anong nangyari sa amin. Paanong sa isang iglap nangyari ang lahat ng ito? Isang taon. Isang taon na pala."

Agad kong pinahid ang mga luha ko. Wala namang magagawa ang mga ito upang maibalik siya sa akin. Sapat na sa aking makita siya mula sa malayo at masaya sa piling ng iba. Ako na lang naman itong naiwan. Naiwan sa kung saan niya ko binitiwan at patuloy na umaasang babalik siya.

Napatitig ako sa mga naisulat ko at bumuntong hininga. Itinago ko ang notebook ko at inilabas ang sketch pad at ang lapis ko. Nagsimula akong gumuhit. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras.

Napatingin ako sa pinto at sakto rin namang pumasok siya. Naglakad siya patungo sa direksyon ko. Akala ko lalapitan niya ako, hindi pala. Naupo siya sa katapat na mesa at naglabas ng isang libro.

Tinignan ko siya at ang iginuguhit ko. Nasa pagguhit na ako ng mga labi niya nang mahuli ko ang mga mata niya. Ngumiti siya sa akin at kumaway pa na animo'y pinapalapit ako. Kumabog ang dibdib ko ng tumayo siya at maglakad patungo sa akin nang lagpasan niya.

Nilingon ko siya. Kinuha niya ang mga gamit ng babaeng iyon at dumiretso sila sa mesang katapat ko. Magkatabi silang nakaupo at kitang kita ko ang masasay nilang ngiti na siyang nagpapasakit ng puso ko.

Yumuko ako nang maramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit pala alam mo nang masaya siya sa iba at araw-araw mong nakikita iyon ay masakit pa rin pala. Ang mga ngiting iyo na dati'y para sa akin lamang. Ang pagiging malambing niya na sa akin lang niya ipinakita at ipinaramdam ngayo'y sa iba na niya ginagawa.

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas ng library. Masyadong masakit ang mga nakita ko at ayokong patuloy na makita iyon. Wala akong lakas ng loob na sabihing "Masaya ako para sa kanila." Lumipas ang araw na iyon na hindi na ako muling nagtangkang makita siya.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok ngunit nanadya nga yata talaga ang tadhana. Siya muli ang nasa harapan ko, yung lalaki kahapon na may magagandang mata at nakasalamin. Mabilis na antapos ang inspeksiyon ng gamit niya kaya't umalis rin siya agad.

Papasok na sana ako bg silid namin ng makita ko siyang pumasok na sa kabila. Sa pagpasok niya'y muli kong naitanong sa sarili ko kung anong nangyari sa amin. Huminga ako ng malalim at naglakad patungo sa hagdan paakyat sa roof top nang magkasalubong kami.

Nagkatitigan kami ngunit walang mababanaag na emosyon sa mukha niya. Pareho lamang nakatayo sa harapan ng isa't isa. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya. Umiyak at magmakaawang bumalik siya sa akin.

Tumuloy na siya sa paglalakad sa kabilang direksyon. Ganoon rin ang ginawa ko. Nang magtapat na kami'y nahawakan niya ang kamay ko. Tumuloy lamang siya sa paglalakad. Nilingon ko siya ngunit siya'y hindi na.

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang mga luha ko. Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Hanggang dito na nga lang talaga tayo. Ang akala kong nag-ummpisa pa lamang ay matagal na nga palang talos na."

Filipino Short Story Writing CompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon