IKA-PITONG TULA? Hindi Na Ako Kasama

74 1 0
                                    




Nakakatawang isipin kung paanong nawala ako
Nawala ako sa isang bagay na ako ang bumuo
Ako ang lumikha at ako ang kumumpleto

Hindi ito mabubuo kung hindi ko sinimulan
Ngunit ngayon ay nananatiling kumpleto
Nananatiling kumpleto ng hindi na ako kabilang

Noong unang panahon,
Kami ay masaya, kumpleto at buo

Laging magkakasama, saan man magpunta
Hindi naghihiwalay, ano man ang mangyari

Kung saan ang isa, duon ang lahat
Walang kulang
Walang naiiba
Lahat ay sang-ayon
Lahat ay masaya

Dumating ang isang araw,
Ang isang pangyayari na hindi inaasahan ninuman.
Ang isang bangungot ng aking nakaraan.

At sa isglap, mayroong nagbago
Ngunit sa isang banda, nananatili parin ang saya
Laging magkakasama, saan man magpunta
Hindi naghihiwalay, ano man ang mangyari

Kung saan ang isa, duon ang lahat
Lahat ay sang-ayon
Lahat ay masaya.

Ang kaibahan lamang,
ay hindi na ako kasama
Hindi na ako kabilang
Nang hindi ko manlang namalayan.

Nanatili silang kumpleto
Ngunit ang aking pagkakumpleto
Ay nanatili na lamang na kwento.

- Emma 🌹

IBA'T IBANG TULA NI EMMA by Emskieee08 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon