IKAAPAT NA TULA?para ulit kay mahal

138 1 0
                                    

Makakarelate ka kung pareho tayonv sawi sa pag ibig hahaha bitter akes.

Pasensya na mahal ko...(October 6, 2016)

Pasensya na ahh...
Pasensya na kung minsan naiinggit ako.
Pasensya na kung minsan naiinis ako sakanya kasi hindi nya nakikita ang halaga mo.
Pasensya na kung nahihirapan na ako.
Pasensya na kung nasasaktan na ako.
Pasensya na kung umiiyak ako.
Pasensya na kung ang hina ko pagdating sayo.
Pasensya na dahil kahit nasasaktan na ako ay pinipili ko parin ito.
Pasensya na dahil ang martyr ko
Pasensya kung minamahal padin kita kahit na nahihirapan na ako.
Pasensya na kung bakit pinipilit ko pading buuin ang puso kong durog para lang
mahalin ka ng buo.
Pasensya na kung mahal kita.
Pasensya na kung mahal na mahal kita.
Pasensya na kung mahal na mahal padin' kita kahit na may mahal ka ng iba.
Pasensya na kung umaasa padin ako kahit KAYO na.
Pasensya na kung pinapangarap parin kita kahit na pagmamay ari kana' ng iba.
Pasensya na kung kinikilig ako kahit puro sya naman ang nasa isip mo.
Pasensya na kung nag aalala ako sayo kahit puro naman sya ang inaalala mo.
Pasensya na kung naiinis ako kasi puro nalang sya ang iniintindi mo.
Pasensya na kung minsan nakakalimutan ko na sya nga pala ang mahalaga sayo
Pasensya na kung minsan nakakalimutan ko na sya nga pala ang priority mo.
Pasensya na kung minsan nakakalimutan ko NA SYA nga pala ANG MAHAL MO.
Pasensya na mahal kasi kita kaya magtitiis nalang ako dahil alam ko namang sya ang
kaligayahan mo,
alam ko namang sya ang nagpapasaya at nagpapalakas sayo.
At alam ko namang SYA ang mahal mo
Na kailan man ay hindi magiging AKO.
Pasensya na kung di ko man maamin sayo ang nararamdaman ko.
Pasensya na kung natatakot ako na malaman mo ito dahil baka magbago ang
pagkakaibigan nating iniingatan ko.
Pasensya na kung iniingatan ko ito dahil ito lang naman ang meron tayo.

#friendzone💔-.-
By: Emma (엠마 구티엘렛)

IBA'T IBANG TULA NI EMMA by Emskieee08 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon