IKAWALONG TULA? Pakisagot naman..

68 1 0
                                    



Mahal, may gusto lang naman akong linawin
Dahil ang isip ko'y naguguluhan parin
Sa sobrang bilis ng paglisan natin
Kasabay ng mga ala-alang nagdaan saatin.

May mga gusto lang naman akong malaman
Pwede bang pakisagot naman?
Para naman mabigyang linaw ang isip kong naguguluhan
Sa takbo ng oras at ng ating nakaraan.

Gusto kolang naman malaman kung ikaw ay naging masaya
Kahit sa simple at munti nating pagsasama
Sa mundong ito na parang tayo lamang dalawa
Ang nakatira at wala ng iba pa.

Gusto kolang naman malaman kung naaalala mopa ba
Ang mga alaala nating saakin ay sariwa pa
Na parang kahapon lang ay tayo pa
Ngunit ngayon ay kayo na pala.

Maaari bang malaman kung bakit ako'y iyong iniwan?
Na para lamang ako'y isang kawalan
Bakit moko nagawang saktan?
Kung nais kolang naman na mahalin ka't paglingkuran?

Pakisagot naman...

- Emma 🥀

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IBA'T IBANG TULA NI EMMA by Emskieee08 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon