IKALAWANG TULA?para kay Ama

171 1 0
                                    

Ang tulang ito ay ginawa ko po para sa lahat ng nagmamahal sa kanilang mga ama,daddy,papa,pudra,papsi,erpat,tatay. Maraming tao ang nangungulila na sa kanilang mga ama kaya sana kung kasama mopa ang tatay mo o kung ano pa mang tawag mo sakanya, sulitin mona ang mga oras nayun dahil alam naman nating WALANG FOREVER at lahat ng bagay ay may katapusan.

Maikling tula para sa isang ama

Mga alaala natin ay sariwa pa,
Sa isip at puso ko'y di pa nabubura,
Mga pagtawa nating dalawa na kaysarap sa tenga
At mga asaran sa twina na kaysarap sa alaala.

Hindi ko akalain na ganong kabilis,
Ang paglisan mo na para lang winalis,
At mga pagsasama natin na tila kay bilis,
Na paniguradong aking mamimiss.

Patawarin mo ako sa aking pagsuway,
Sayong simpleng utos na kay lumbay,
At pati narin sa ating pagkawalay,
Sa mundo kong ikaw ang sumusubaybay,
At laging gumagabay.

Aming ama ang sakit sa pakiramdam,
Na ito na pala ang huling paalam,
Na hindi na pala kita mahahagkan,
At di na muli pang masusulyapan.

Ngunit ito'y iyong laging pakatatandaan,
Pagmamahal ko sayo'y di mababawasan,
Bagkus ito pa'y madaragdagan,
Dahil sino man ay hindi ito mapapantayan.

Aking itay ikaw ay mahalaga,
Ngunit huli na dahil ikay wala na,
Humingi man ng tawad ay di na malalaman pa,
Kung ako nga ba ay mapapatawad mo pa.

Pagsisihan ko man ito ay wala ng silbi pa,
Wala na akong magagawa pa,
Umiyak man ako'y di mo na maririninig pa,
Dahil huli na nga ang lahat at ika'y wala na.

Alam kong huli na mahal kong ama,
Pero maraming salamat sa mga oras na nakasama kita,
Sa mga oras na nakaramdam ako ng pagmamahal ng isang tunay na ama,
At patawad dahil huli na ng ito'y aking nakita.

Salamat at patawad mahal kong ama,
Gusto ko mang ibalik ang mga oras na kasama pa kita,
Ay di ko na magagawa pa,
Ngunit ikaw pari'y mananatili sa puso ko ama

Salamat at Patawad Mahal Kong Ama

By: Emma Sulit Gutierrez

IBA'T IBANG TULA NI EMMA by Emskieee08 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon