Kabanata Walo:
AYESSA'S POV
Pagkapasok ko sa bahay. Nakita ko si daddy na nanonood ng tv. Sumilip ako kung ano niyong pinapanood niya, balita pala.
Humalik ako sa pisngi ni Daddy, tanda ng paggalang.
Dumaan muna ako sa kusina baka nandoon si mama, hindi nga ako nagkamali.
Lumapit ako kay mama para humalik din sa kanya.
"Ayessa, Bumaba kana maya-maya. Matatapos na itong niluluto ko." Pahabol na sabi ni mama sa akin bago ako makalabas sa kusina.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Humiga muna ako saglit para makapagpahinga. Nakakapagod ang araw na ito.
Hindi pa rin ako makapaniwala, nandito si Hillary. Naging tao rin siya. Paano kaya nangyari niyon?
Mamaya ko na muna iisipin niyan. Nagbihis na ako ng pambahay na damit. Nag-ayos din ako ng gamit ko at nilabas ang mga notes na kailangan kong pag-aralan para mamaya diretso aral na lang ako.
Humiga ulit ako. Nakakapagod talaga.
Hindi ko namalayan naka-idlip na pala ako.
HILLARY'S POV
Simula ng umalis sila Ayessa saka yung kasama niyang kaibigan, walang tigil na tanong ang binuhos sa akin ni Raegan.
Katulad ng "paano mo nakilala si Ayessa?" "San mo nakilala si Ayessa?" "Akala ko ba wala kang kaibigan?" "Akala ko ba bago ka lang dito?" Hanggang pauli-ulit na lang niya sinasabi niyan.
Ni isa sa mga tanong niya wala akong sinagot. Kahit sabihin ko naman sa kanya hindi siya maniniwala. Kaya tumahimik na lang ako sa bawat tanong niya.
Nandito ako ngayon sa apartment ko malapit lang sa St angelica School - ang school kung san nag-aaral si Raegan at ang inaalagaan ni Ayessa.
Nagulat din ako kanina, nagulat dahil hindi ko alam na ngayon pala kami magkikita. Namimiss ko na ang aking kaibigan - Ayessa.
Kung tatanungin niyo ko kung paano ako nakalapit agad kay Raegan? ganito kasi niyan.
Flashback:
Ilang araw bago ako maging tao dahil sa kasunduan namin ni kuya Gabriel. May nalaman kasi kami na hanggang ngayon hindi pa napapansin ni Ayessa.
Kaya kailangan namin umaksyon baka lalong tumagal si Ayessa sa misyon niya.
Kaya ang solusyon maging tao rin ako. Wala naman problema sa akin niyon. Mas nagustuhan ko pa nga ang kasunduan.
Tatlong araw bago ako maging tao, lagi na ako nagpapapansin kay Raegan.
Ginawa ko lahat para parehas kami ng subject na kinukuha niya.
Kinuha ko rin ang ang kurso niyang Education. Para kahit papaano mababantayan ko pa rin siya.
Hindi naman salbahe si Raegan, niyon nga lang kailangan niya ng gabay. Lagi siyang mag-isa at walang kasama kapag kumakain pati sa mga academics gusto niya mag-solo. Hindi ko alam kung bakit siya ganoon, basta ang alam ko kailangan niya ng kaibigan na masasandalan.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko. Nagpapapansin ako sa kanya. Nagpapaka-clumsy ako. At sinabi ko sa kanya niya na bago lang ako dito. Na totoo naman talaga.
Unti-unti kinakausap na niya ako. Nagiging malapit na rin sa isa't isa.
"Talaga bang bago ka lang dito? Nasaan mga magulang mo?" Ito ang unang beses niya akong kinausap. Ang sarap sa feeling.
"Nasa probinsya ang mga magulang ko."
Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman kasi alam kung nasaan na ang mga magulang ko. Sina Ayessa at Kuya Gabriel na lang ang mga tinuturing kong kamag-anak sa Hardin ng mga Anghel.
"Ay ganoon! San ka ngayon nanunuluyan?"
Nag-aalala ba siya sa akin? Para may kung anong insekto sa aking tiyan.
"Sa apartment. Iyong malapit dito sa school." Sagot ko sa kanya.
Malapit lang naman talaga. Siguro ilang kanto lang ang pagitan mula dito sa apartment hanggang sa school.
Kaya simula niyon, lagi na kaming magkasama ni Raegan. Ewan ko pero komportable na ako sa kanya. Sa alaga ko.
End of flashback
Ayun ang mga nangyari sa akin kung paano kami naging malapit ni Raegan.
Ngayon hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya kung paano ko nakilala si Ayessa.
Kausapin ko kaya si Ayessa bukas. Baka may naisip na siyang dahilan. Mahina ako sa ganito eh.
AYESSA'S POV
May tumapik sa pisngi ko. Urgh! Gumulong ako sa kabilang parte ng kama.
Inaantok pa ako. Huwag niyo muna ako gisingin.
Hindi pa rin ako tinantanan. Tinapik niya ulit ang pisngi ko. Pero ngayon, napadilat na talaga ako dahil pamilyar sa akin ang boses na niyon
.
.
.
.
Boses ni mama."Ayessa, gumising kana! Kakain na tayo! Hindi pwedeng hindi kakain. Hala sige, gumising ka!"
Napabangon agad ako. Hutaaaaa! Nakatulog pala ako.
Napatingin ako kay mama, nakakatakot siya.
"Buti naman gumising kana! Bumangon kana at kakain na tayo ng hapunan! Bilisan mo kumilos." sabi ni mama sa akin.
Dali-dali akong pumunta sa cr para magmumog.
Pagkalabas ko ng cr, wala na si Mama. Baka nauna na bumaba.
Bumaba na rin ako para kumain ng hapunan. Kailangan ko pa pala mag-aral baka may surprise quiz na naman kami bukas. Kaasar!
Nang matapos kami kumain ng hapunan. Nagtanong sila mama kung inaaway na naman ba ako ng mean girls. Hindi ko alam kung ano niyong mean girls, wala naman kasing ganyan sa Hardin ng mga Anghel. Malaman nga anong ibigsabihin niyan. Tumango nalang ako kina mama at papa kahit hindi ko alam anong ibigsabihin niyan.
Pagkapasok ko sa kwarto, tumungo agad ako sa desk ko kung nasaan ang mga kwarderno ko. Mag-aaral pa pala ako.
Pagewang-gewang na niyong ulo ko. Kanina pa rin ako humihikab. Inaantok na rin ako.
Tumingin ako sa orasan sa kwarto ko. Hindi ko namalayan 12:01 na pala.
Ang huli kong naalala, nilamon ulit ako ng dilim.
- end of chapter 8 -
A/N:
This is just a short update!😊VOTE. COMMENT. FOLLOW.
LET'S SPREAD ANGELS!Thank you❤
BINABASA MO ANG
My Mischievous Guardian Angel (Anghel Series #1) [COMPLETED]✔
FantasyMay anghel na pinatapon sa lupa dahil sa kanyang kapilyuhan. At ang kanyang misyon ay baguhin ang ugali ng kanyang alaga para makuha muli ang kanyang pakpak. Paano kung mainlove si Pilyang Anghel sa kanyang gwapong alaga. Gustuhin pa kaya niya mul...