Kabanata Siyam:
AYESSA'S POV
Tumunog nang napakalakas ang aking alarm clock. Kahit ayoko pa bumangon sa kama ko, bumangon pa rin ako. Wala akong magagawa.
Teka? Bakit nasa kama ako? Ang huli kong natatandaan nasa desk ako at nag-aaral? Baka naman nilipat ako ni Mama o di kaya ni Daddy?
Napahawak ako sa leeg kong nangawit yata kagabi dahil sa pwesto ko at sa pagbabasa ko. Inikot ko ang aking leeg para mawala niyong ngalay.
Habang iniikot at minamasahe ko ang aking leeg, napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng aking kwarto. Ngayon ko lang napansin ang kulay ng kwarto ko, kulay pink at white. Ang ganda pag masdan.
Ngayong araw na ito, Isang linggo na ko dito sa mundo ng mga tao. Isang linggo...pero marami na nangyari sa akin.
Isang linggo... isang linggo ko na pala hindi nakikita si kuya Gabriel.
Isang linggo... isang linggo na akong walang ginagawang mali sa ibang tao.
Isang linggo... isang linggo na pala ako sa misyon ko pero wala pa rin akong hakbang na ginagawa.
Isang linggo palang pero marami na nagbago sa akin.
Ginawa ko na naman ang routine ng mga tao tuwing umaga. Naligo. Nagsepilyo. Nag-ayos. Niligpit ko na rin pala ang mga notes na nakakalat sa desk ko.
May naalala ako, si Hillary! Nakita ko si Hillary kahapon! Hindi na siguro ako nananaginip diba? Tunay niyon? Nakita ko na talaga siya. T-tao rin siya katulad ko. Pero paano nangyari niyon?
Kailangan ko siya maka-usap. Nagtatatakbo akong bumaba sa hagdan papuntang kusina.
Nadatnan ko si Cedrick doon nakaupo na at mukhang hinihintay ako. Bilib din ako dito, dati hanggang sala lang siya ngayon nasa kusina na siya. Galing!
Umupo ako sa tabi ni dad. Binilisan ko ang pagkain. Muntik pa ako mabilaukan.
"Anak, dahan-dahan lang sa pagkain. Hindi ka naman namin uubusan." natatawang sabi sakin ni dad habang sinasalinan niya ako ng tubig.
Ininom ko agad ang tubig ng isang lagukan. Muntik na talaga mabulunan. O, nabulunan na talaga ako?
* * *
Kaka-park lang ni Cedrick ng kotse, Bumaba agad ako. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako.
Gusto ko na makita si Hillary. Makati na ang dila ko. Kailangan ko na siya makausap.
Naglalakad kami sa field na ito, buti na lang talaga hindi pa gaano mainit. Medyo makulimlim ang kalangitan.
May nakita akong hubog ng isang babaeng tumatakbo papuntang silangang parte ng ekswelahan. Tinitigan kong mabuti ang babae, si Hillary ang babaeng tumatakbo.
Tatakbo na sana ako sa pwesto niya ng pigilan ako ni Cedrick.
"Where are you going,Ayessa? Magbe-bell na." tanong niya sa akin.
Sasagot pa sana ako sa kanya, nang biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang first subject.
Tumakbo agad kaming dalawa, may mga nakakasabay din kaming mga kapwa namin estudyante na tumatakbo. Late.
Nagkalihis kami ng daan papunta sa kanya-kanya naming building.
.
.
.
.Hingal na hingal ako ng dumating sa classroom, sa kasamaang palad, nandoon na pala ang Prof namin.
BINABASA MO ANG
My Mischievous Guardian Angel (Anghel Series #1) [COMPLETED]✔
FantasyMay anghel na pinatapon sa lupa dahil sa kanyang kapilyuhan. At ang kanyang misyon ay baguhin ang ugali ng kanyang alaga para makuha muli ang kanyang pakpak. Paano kung mainlove si Pilyang Anghel sa kanyang gwapong alaga. Gustuhin pa kaya niya mul...