RANZ'S POV:Naglalakad ako ngayon sa quadrangle ng may tumawag sa akin.
"Bro!" Tumigil ako sa paglalakad ng may umakbay sa akin.
"Ano na naman ba problema mo Cedrick?" bagot na sabi ko. "Si Marie na naman ba?" tumingin ako sa kanya, na ngayon ay kumakamot sa ulo niya.
"Ah-eh! Oo, Bro eh! Hehehe. Ano kasi---" hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sinakal nang mahigpit.
"Siraulo ka! Ang sabi ko 'wag mong---" Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla siyang nagsalita.
"B-bro!! T-teka lang!! H-hindi ko naman pinaiyak o inaway si Marie eh. A-ayokong multuhin ako ni Ayessa. T-teka lang!" pinakawalan ko na siya. Gusto pa pala niyang masakal muna.
"Tumino ka Cedrick!" nagpatuloy ako sa paglalakad pero itong si Cedrick sumunod na naman.
"Bro naman!" paulit-ulit na sabi ni Cedrick sa akin.
Huminto ako at humarap sa kanyang makita ko ang classroom namin.
"Ano ba?" naiinis na ako sa kumag na 'to.
"Tulungan mo naman ako kay Marie. Anniversary kasi namin ngayon eh..." nahihiya niyang sabi.
One year na pala ang nakakalipas ng mawala na ng tuluyan si Ayessa sa akin at sa amin. One year na pala.
Ang bilis ng panahon, akalain mo n'yon naka-survive ako at nakaka-ngiti na rin ako kahit wala na talaga siya sa piling ko.
Napabalik ako sa sarili ko ng magsalita ulit si Cedrick. "Bro, tutulungan mo ba ako?"
Napabuntong hininga na lang ako. Wala akong magagawa, kaibigan ko naman ang isang 'to. "Oo na! Mamaya na tayo mag-usap. Mag-uumpisa na ang klase namin." Pagkakasabi ko nun, tuluyan na ako pumasok sa classroom namin.
Nakita ko agad ang kapatid kong si Stef at mukhang badtrip na naman dahil nagkasalubong na naman ang kanyang mga kilay.
Ano na naman kaya ginawa ni Drew sa kapatid ko.
Umupo ako sa tabi niya.
"Good morning my beautiful sister! Bakit iniwan mo ako kanina? Diba sabi ko sayo sabay tayo? Alam mo namang n'yong si Franz nanliligaw pa rin kay Shanti?" sabi ko sa kanya. Imbis na sumagot, tinarayan lang ako.
"Kuya, 'wag ngayon! Baka sayo ko ibuhos ang galit ko kay Drew. Kaya please." sa sinabi niyang n'yon, napailing na lang ako. Kailan kaya magbabago ang dalawang 'to? Lagi na lang sila aso't pusa.
"Kuyaaaaaaaa Ranz!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Nakita ko ang kamukhang-kamuha ng Ayessa ko...si Marie ang kakambal niya.
Umupo siya sa kabilang gilid ni Stef na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin.
"Kuya Ranz? Ano n'yong nababalitaan ko?" Bungad na tanong ni Marie sa akin?
Nang dahil sa tanong ni Marie, napunta sa akin ang tingin ng kapatid kong si Stef na mukhang naghihintay rin ng kasagutan.
"Huh?" Takang tanong ko sa kanila.
Anong nababalitaan ang sinasabi nitong si Marie?
"Totoo bang kayo na ni Alice,kuya Ranz? Totoo baaaaa?" Sinong Alice ang sinasabi nito? Hindi ko kilala n'yong Alice na n'yon eh.
Sasagot na dapat ako, nang dumating ang Prof namin.
* * * * *
BINABASA MO ANG
My Mischievous Guardian Angel (Anghel Series #1) [COMPLETED]✔
FantasyMay anghel na pinatapon sa lupa dahil sa kanyang kapilyuhan. At ang kanyang misyon ay baguhin ang ugali ng kanyang alaga para makuha muli ang kanyang pakpak. Paano kung mainlove si Pilyang Anghel sa kanyang gwapong alaga. Gustuhin pa kaya niya mul...