Huling Kabanata:
THIRD PERSON'S POV
Nang mawalan ng ulirat si Cedrick ay siyang dating naman nina Ranz at ng barkada na nakasunod ang ambulance at mga pulis.
"Ayessa! Cedrick! Ayessa!" Humahangos na lumapit ang binatang si Ranz sa sasakyang naka-salpok sa malaking puno na lulan sina Cedrick at Ayessa.
Nang makalapit sa sasakyan, labis na nanlumo ang binata dahil sa sinapit ng dalawa."A-ayessa!!!!! Ayessaaaaaaa!!" malakas na sigaw ni Ranz.
Pilit na lumalapit ang binata sa dalagang si Ayessa pero pinipigilan siya ng kakambal niyang si Franz.
"ANO BA FRANZ!!! BITAWAN MO KO!!!" pilit na pumipiglas si Ranz sa pagkakahawak sa kanya ng kakambal niya.
Pero,ang kakambal niya ay todo kapit lang sa kanya at umiiling-iling habang umiiyak.
Hindi lang si Ranz ang nasasaktan sa nangyari maski sina Raegan, Stef, Stella at Hillary ay nasasaktan at umiiyak na rin.
Inalalayan ni Raegan ang dalagang si Hillary, bakas sa mata ng dalaga ang matinding pagluha...
Nang maisakay sina Cedrick at Ayessa sa ambulance, sila namang pagsakay sa sasakyang dala ni Raegan.
Lahat sila mugto ang mga mata. Lahat sila nasasaktan at umiiyak pa rin dahil sa nangyari kina Ayessa at Cedrick.
Sa kabilang banda, nakaupo sina Hillary, Ranz at Stef sa labas ng operating room, naghihintay sa paglabas ng doktor para malaman kung ano ang nangyayari sa dalaga.
Sina Franz, Raegan at Stella ay nasa isang puting kwarto kung nasan si Cedrick na hanggang ngayon ay wala paring malay.
Sa kanilang dalawa si Ayessa ang mas napuruhan at siya, ay nawalan lamang ng malay.
'A-ang sakit! Ang sakit-sakit na makita mo ang kaibigan mong nakaratay at ginagamot ng mga doctor para mabuhay... Si Ayessa ang pinaka-napuruhan sa kanilang dalawa...' umiiyak na sabi ni Hillary sa sarili.
Tumingin ang dalagang anghel na si Hillary kay Ranz, naaawa siya sa kalagayan ng binata. Kanina pa ito umiiyak at sinisisi ang sarili dahil sa nangyari sa dalawa.
"Kuya Ranz at Hillary, lalabas lang ako ha. Titignan ko kung nandyan na sila tita at tito..." paalam ni Stef. Bakas din sa dalaga na galing siya sa pag-iyak. Mugto pa ang kanyang mga mata at ilong. Labis din siyang nag-aalala para sa matalik niyang kaibigan.
Nang makaalis ang dalagang si Stef. Siyang lapit naman si Hillary kay Ranz.
Alam ng dalaga na nasasaktan ng lubusan ang binata pero kailangan niya itong tanungin...tanungin kung alam na ba niya kung sino si Ayessa sa buhay niya dahil alam ni Hillary na babalik na sa hardin ng mga anghel si Ayessa. Nararamdaman niya ito.
"R-ranz... A-alam mo na ba kung sino si A-ayessa?" Mahinang sabi ni Hillary sa binata.
Unting-unti lumingon ang binata kay Hillary na may bakas pang luha sa mga mata niya. "What do you mean?"
"H-hindi pa ba niya sinasabi sayo, Ranz?" Umiiyak na sabi ni Hillary. "Hindi sana ako ang magsasabi sayo... pero, kailangan mo ng malaman... si Ayessa..."
BINABASA MO ANG
My Mischievous Guardian Angel (Anghel Series #1) [COMPLETED]✔
FantasyMay anghel na pinatapon sa lupa dahil sa kanyang kapilyuhan. At ang kanyang misyon ay baguhin ang ugali ng kanyang alaga para makuha muli ang kanyang pakpak. Paano kung mainlove si Pilyang Anghel sa kanyang gwapong alaga. Gustuhin pa kaya niya mul...