A/N:Hi, may konting pagbabago imbis na kwento nina Hillary at Raegan ang 'Anghel Series #2' iniba ko po, si Gabriel mo na ang magiging Anghel series #2 medyo naging magulo isip ko hahaha. Bibigyan ko kasi ng hustisya ang love story nina Raegan at Hillary kaya ihuhuli ko sila. Sana naintindihan niyo po. Thank you!♡
Ito na po ang Prologue ng ANGHEL DELA GUARDIA (Anghel Series #2). May sarili po itong Bookcover. Nasa draft ko pa po.
Prologue:
"Dear Diary, May nakita na naman ako. Nakita ko na naman sila hindi ko alam kung totoo ang mga nakita ko. Hindi ko masabi kahit kanino maski kina mommy at daddy hindi ko ito masabi. Feeling ko kasi walang maniniwala sa akin. Baka akalain nilang baliw ako..."
Tumigil siya sa pagsusulat ng may maramdaman siya. Nilapag ng babae ang hawak niyang ballpen at sinara ang kanyang notebook.
Tumingin siya sa kanya terasa at may nakitang silhouette nakatayo roon sa labas ng kanyang terasa.
"I-ikaw ba 'yan?" Nanginginig na sabi ng dalaga.
Biglang bumukas ang pinto ng terasa niya at lumakad ang isang lalaking makisig na nakasuot ng malaking tsaleko na hanggang tuhod na kulay brown.
"Ako nga, Yasmin."
Huminto ito sa paglalakad ng makalapit siya sa babae na tinawag niyang Yasmin.
"Nandito lang ako para bantayan kang mabuti." Dugtong na sabi ng lalaki.
"G-gabriel, n-nakita ko na naman sila kanina. Ano ba kailangan nila sa akin? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila." Nanginginig na sabi ni Yasmin.
"Hindi ikaw ang kailangan nila kung hindi ang kaluluwa mo, Yasmin."
"Ano bang mayro'n sa kaluluwa ko? Maraming ibang babae d'yan! Bakit ako?" Umiiyak na sabi ni Yasmin.
"Hindi ko pa pwedeng sabihin sa'yo. Basta lagi akong nandito para protektahan ka sa kanila."
Hinalikan ni Gabriel ang noo ni Yasmin at saka ito may binulong sa tenga ng babae. Sa isang iglap nakatulog na ito.
Binuhat niya ito at inihiga niya si Yasmin sa kama. Pinagmasdan nya ang mukha ni Yasmin at hinaplos ang kanang pisngi nito.
"Sa tamang panahon, malalaman mo rin ang lahat. Pero, sa ngayon poprotektahan muna kita sa abot ng aking makakaya..."
- end of prologue -
Nawa'y suportahan niyo rin po! Love lots!💕
BINABASA MO ANG
My Mischievous Guardian Angel (Anghel Series #1) [COMPLETED]✔
FantasyMay anghel na pinatapon sa lupa dahil sa kanyang kapilyuhan. At ang kanyang misyon ay baguhin ang ugali ng kanyang alaga para makuha muli ang kanyang pakpak. Paano kung mainlove si Pilyang Anghel sa kanyang gwapong alaga. Gustuhin pa kaya niya mul...