Chapter 28

17.7K 364 12
                                    

Ivan P.O.V      

Days has passed.At bumalik na naman sa pagiging brat si Naoko after mangyari yung event na yun. Pero mas lumala ugali niya. I swear. Para siyang manikang walang buhay at pinrogram lang magtrabaho sa student council. Bumalik na rin pala ang pagka-englishera niya.

"Naoko....Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong ni Ynna kay Naoko. Well kasi naman naging cold na yung attitude ni Naoko sa lahat eh.

"I'm not." flat na sabi ni Naoko habang chine-check lahat ng students dito sa canteen. Breaktime kasi ngayon and here she is checking every students.

"Talaga? Eh bakit ang cold ng attitude mo?"

"Because I'm mean." walang emosyon niyang sabi. Sus. Sa aming lima si Ynna lang naman ang hindi niya in-entertain.

"Pres! Yuhoooo~" Aubrey said in a jolly tone as she walk inside the room.

"Stop it already. And don't call me pres, okay?"

"Hmph. Taray mo ngayon ha! Sige ka magkaka-wrinkles ka nyan! Hahaha." biro ni Aubrey kay Naoko. Naoko glared at her.

Tumahimik tuloy itong crazy girl na 'to.

"Yan tuloy." asar ko sa kanya.

"Che!" sabi niya sa akin.

"Sa tingin ko hanggang ngayon galit pa rin si Naoko sa akin...." mahinang sabi ni Ynna.

"Well.... Natagurian ka pa naman ding bestfriend tapos ikaw pa ang hindi naniwala sa kanya. Tss..." bitter kong sabi.

"Ayos lang yan bestie! Cheer up lang!" Aubrey tried to sooth her.

"I will leave you for a while i just need to talk to Ma'm.Gean over there." paalam sa amin ni Naoko.

Tumango na lang kami. Pumunta siya dun sa isang corner. Malayo-layo sa amin. Tapos biglaan namang sumulpot mula sa likuran namin sina Raizo at Bella.

"How's Naoko?" concerned na tanong ni Raizo.

"Ayun pa rin walang emosyon thanks to 'someone'. " sarcastic na sabi ni Aubrey at tumingin kay Bella.

"Hoy, huwag mo nga matignan-tignan ng ganyan yung bestie ko!" sabi nung babae na sa pagkakaalam ko Samantha ata ang pangalan. Maya-maya pa bumalik na sa amin si Naoko while holding a white folder kung saan nakalagay yung paperworks  niya. Nakatingin lang ito dito at hindi pinansin sina Raizo na para bang wala talaga sila dito.

"Our work is finished here. Let's go back to the student council room." walang emosyon niyang sabi. Tumalikod siya sa aming lahat.

Aha! Alam ko na kung paano mapapalabas yung emosyon niya! Let's see kung hindi pa lalabas ang emosyon niya sa sasabihin ko. I inwardly let out a devious smirk.

"Alam ko na kung paano mapapalabas ang emosyon niya." I grin evilly.

"Ha?" mukhang nalilito silang lahat sa sinabi ko. Humarap ako sa direksyon ni Naoko at ngumiti ng nakakaloko.

"Wait Naoko... I have something important to say to you."

"What? Just say it all at once I'm busy." plain na sabi niya without turning. Naka-focus lang siya sa mga papers na hawak niya.

"Luke dragged Takumi off." I gave her my most charming smile as I said those words.

"Takumi? Who's Takumi?" tanong niya habang hindi pa rin nakatingin.

"Aww. Kawawa naman si Takumi hindi mo na siya naaalala sige ka baka mag-tampo siya." asar ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin ng nakakunot-noo. Okay, here it is. It took all my power to not burst out laughing at her reaction.

TBITLG:This brat is the LEGENDARY GANGSTER (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon