Chapter 1: "Story of Kriz"

281 11 4
                                    

(KRIZ'S POV)

"Hoy krizzy ba't ang tahimik mo ata?" sabi ni Ace

"H-Ha?" sagot ko

"Naku bangag yan wag nyo kausapin" sabi ni Keish, kami lang tatlo magkakasama, wala kasi yung tatlo eh may pupuntahan pa daw. Papasok na kami ng school

"Hoy tekaaaa!!!" may isang familiar na boses na tumawag sa amin? ba or sa iba. Eh familiar, napalingon kaming tatlo

"PAAAAM?!" sabay-sabay namin na sigaw

tumango lang to, at lumapit sa amin. Mukhang pagod na pagod ah, hingal na hingal kasi sya siguro nagmadali 'to

"Oh ba't ganyan itsura mo parang 'kang ginahasa" sabi ni Ace

"Gaga talaga 'to---kahit kelan, mga tanong mo ayusin mo haa! naku kung hindi" pagbabanta ni pam na naka lagay yung kamay nya sa dalawa nyang tuhod

"kung hindi ano?" pa-sigang sagot ni Ace

"Wala alam ko namang hindi kita kaya eh, sa TABA mong yan daig mo pa alaga naming baboy eh" kahit kelan talaga tong dalawa na to lakas magasaran

"Kaylangan naka-emphasize yung taba? Maka sabi ng taba ahh di naman ako super taba noh!" sagot naman ni Ace

"Kesa magasaran kayo bumalik na lang tayo sa room, malelate na tayo oh" sambit ni Keish

"Ay teka teka nasan na si Marc and Iell?" tanong ni Ace kay Pam

"Aba malay, mukha ba akong information center aber?" sagot nito ng nakataas pa ang kilay

"Tch. Nagtext sa akin si iell hindi daw sya makakapasok dahil may sakit daw sya" sabi ni keish na busying busy kakapindot sa cellphone

"ANONG SAKIT?" sabay na sabi nina Ace at Pam

"Malamang tinamaan na naman ng KATAM yung babaeng yun.." sagot pa ni keish. Pumasok na kami sa room,at kami na lang pala ang hinihintay si marc nandun na rin.

"Yan na mga chix natin carl oh" sigaw ni Jun-jun

Di na namin pinansin, alam naman kasi namin linoloko lang kami ng mga yun, asa pang kami ang mga taste ng mga yun, tss.

"Okay class, for our activity today gagawa kayo ng collage about sa lesson natin" about lovelife? 

"Ma'aaaaam ano po lesson natin?" nagsigawan na mga classmates ko.

"Ssshhh... class tahimik!" sigaw ni Ma'am Aquino

"Uh oh! Activity na naman" reklammo ni Pam, kahit kelan talaga to puro reklamo

"Kaya nga" pag-sang ayon ni Marc at lahat sila ay sumang ayon na. So ako OP? Tsk!

"Okay class by pair to kaya don't worry" -Ma'am Aquino

How I wish isa kila pam ang partner ko. Hindi naman kasi kami ang namimili eh

"This time kayo na mamili okay?" Wow! First time to a, yes! Okay to! 

Patingin na ako sa side ni Keish pero nung sabihin nyang sila ni Ace, kumaliwa naman ako kila Pam

"Tayo Ace" sabi ni Keish

"Uy Marccc tayo naman" sabi ni Pam

No choice! Wala akong ka-partner ni isa sa mga friends ko. Kaasar!!! 

This Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon