(PAM'S POV)
"Guys kaylangan na natin ng choreographer para mas mapabilis yung pagprapractice natin. At para mas mapaghandaan kahit two months pa yun" sabi ni Alex. Kasali kasi kami dun sa competition sa school parang modern dance sya na hip-hop basta ganun
"Ako na lang bahala sa choreo." pag-volunteer ko. Ako na lang kahit na wala naman talaga akong kakilala,parang lang mabawasan na yung iniisip nila for sure naman kasi walang balak maghanap
"Sige hah Pam aasahan namin yan" sabi ni Alex. Pagkatapos nun nag-bell na at uwian na
"Tara libre ko kayo" -Ace
"Sige ba!" -Ielle
"Tara na!" -Jessica
"Ahmm.. sige kayo na lang,may pupuntahan pa ako. Sige,bye na" paalam ko sa kanila
"Sure ka ba?" -Keish
"Oo, sige hah una na ako. Bye!" pagkatapos nun umalis na ako. Wait pano nga ba ako hahanap ng choreographer neto? Magtanong muna kaya ko? Eh ang tanong kay nino naman? Bahala na!
Habang naglalakad nakasalubong ko sila Carl palabas na ng school
"Carl!" sigaw ko,lumingon silang lahat sakin. Lahat ba sila tinawag ko? Ang pagkakaalam ko si Carl lang tinawag ko ahh?
"Bakit Pam?" lumapit sya sakin at sumunod naman yung apat
"Ahmm.. meron ka bang kakilalang choreographer?" tanong ko
"Oo,oo meron syang kakilala" sabi ni Jun-jun. Sya ba tinatanong ko? -___-
*PAK*
"Ikaw ba tinatanong?" binatukan ni Carl si Jun-jun "Pagpasensyahan mo na to Pam hah. Masyadong epal eh" -Carl
"Di okay lang. Ahmm.. so ano meron?" tanong ko pa ulit
"Ahh.. oo meron" Buti na lang. Mission accomplished!
"Sige, pwede makuha yung number,name,address at tsaka lahat ng info about dun" sabi ko
"Teka Pam mangstostalk ka ba o naghahanap talaga ng choreographer?" -Jun-jun
*PAK*
"Sinabing wag mangielam! Pagpasensyahan mo na talaga sya Pam hah. Abnormal to eh pero sige sasamahan na lang kita bukas dun sa studio nila at tsaka wag ka magalala dun mabait yun at hindi ka lolokohin" -Carl. For the 2nd time binatukan na naman ni Carl si Jun-jun masyado kasing pa-epal eh hahaha! Joke!
"Hindi lolokohin? Bakit rinereto mo ba sa kanya yun? Alam ko choreographer ang hanap ni Pam hindi boyfriend" -Jun-jun. Pasaway talaga to hahaha!
*PAK*
"Aray hah nakakatatlo ka na!" -Jun-jun
"Manahimik ka na kasi dyan! Tss.. basta Pam bukas na lang. Uwian sasama kita dun sa studio at sigurado naman ako na mura lang yung bayad dun" -Carl
"Ahh.. sige salamat Carl. Thank you, thank you talaga!" sabi ko habang nakangiti. Finally bawas na ang proproblemahin ko. Sumunod na ako dun sa canteen kaso nga lang papunta pa lang ako pabalik na sila
"Akala ko ba maghahanap ka ng choreo. Eh bakit ang bilis mo naman ata" -Ace
"Meron na tsaka bukas ko pa yun mamimeet" sagot ko naman
