(KRIZ'S POV)
Habang nag s-stargazing ako, may bigla akong naalala.
Yung letter!!! Di ko pa pala nababasa. Nako! Buti nalang naalala ko kung hindi baka matapos tong gabi na to ng hindi ko nababasa yun. Nawala kasi sa isip ko e. May iniisip kasi akong iba.
"Si Jari" kahit isipin ko lang sya magdamag, keri! Kering keri! Masaya pa! Hahaha!
Dali dali akong tumayo at kinuha yung letter na nakaipit sa notebook ko sa bag :)
Hmmmmmm! Ang bango bango bango bango bango bango (para intense ng bongga!) ng paper! :)) Papel pa lang yan ha!
eto na yung letter babasahin ko na!
Babe,
I know naman nung umpisa palang makulit na ako, palagi kitang inaasar. Kasi gusto ko lang na mapansin mo ako. I started feeling "this something" nung class ni Ma'am Aquino, nung naging magkaparter tayo. I fell in love with you. Simple your smile, your laugh, your eyes, how you love talking to me and because you are you. I may not be the sweetest, cutest, greatest man in the world but i'll try to be perfect for you. Even though there is no such thing as perfection. May mga times na alam kong nagseselos ka kay Aesh pero wala yun, wala nakong gusto sa kanya. Ganon lang talaga sya. Sorry baby kung minsan hindi ko nasasagot yung mga messages mo sakin. Baka naglalaro ako. Pero ilelessen ko na yungg paglalaro ko para makatext kita. I'd give up forever to touch you, to be with you. I want to hug you, super tight. Gusto ko na mafeel mo na hindi kita iiwan at ilelet go. Hindi man ikaw yung sinasabing perfect para sakin ikaw yun. Ikaw yun KRIZ! You will always be so beautiful in my eyes. Beautiful as always. :) Happy 1st monthsary baby! Sorry kung yung una akala mo nakalimutan ko na monthsary natin ha. It was a part of my plan. And the "plan" worked just as good as i imagined. I love you. :*
TALON SA KAMA. TAGO SA UNAN. TILI HANGGANG MAWALAN NG BOSES. AHHH!!!
Hindi ko na i-dedeny. Kinikilig ako kinikilig ako kinikilig ako! :))
Ang sweet ni Jari! :)
Pano ko kaya papalitan yung gift nya? I mean,ano yung ibibigay ko sa kanya. Hindi ako prepared eh.
Pagkatapos ko basahin yung novel este letter linagay ko dun sa Precious box ko. Taray diba? May Precious box pa :)
Nahiga ako sa kama at inulit sa utak ko lahat ng nangyari. Hanggang ngayon kinikilig pa din ako sa letter at dun syempre sa suprise nya.
One week...
One Month....
Two Months....
Nandito kami ngayon sa park ng super cold kong boyfriend. Ewan ko ba pero nitong mga nakakaraang araw e sumobra na pagkacold niya
"Hey Kriz, I think we should take a break" cold na sabi ni Jari
"Bakit? May nagawa ba ako? Ano?" teary-eyed na ako. Ang cold nangpagkakasabi niya. Parang hindi na talaga niya ako mahal. Ganun na lang ba yun?
"Madami kasi akong iniisip at problema."
"Kasali ba ako dun sa mga iniisip mo? A-at problema?" Hindi ko na din napigilan yung pagtulo ng mga luha ko
"Ayoko lang ng madaming iniisip" Ganun? Kapag madami na siyang iniisip ako una niyang igi-give up?
"G-Ganun l-lang ba sayo kadali yun?" tanong ko sa kanya,this time umiiyak na talaga ako. Oo iyakin ako pero hindi sa harap ng tao at sa tingin ko ito pa lang ang unang beses na umiyak ako sa harap ng isang tao
