(PAM'S POV)
Another day na naman. Practice na pala namin mamaya after ng uwian, pero bago yun itetext ko si Keith para ipaalala yung practice. Mahirap na baka makalimutan nya
To Keith:
Hey, mamaya. Dito sa school, practice! :))
Tinago ko na agad yung phone ko, tapos pumunta ko kila Ielle
"Nga pala Pam balita ko gwapo daw yung choreo." sabi ni Ielle, naku alam na ibig sabihin nyan. Hahahaha!
"Uhmm.. ayos lang, sino may sabi?" tanong ko
"Si Carl, at balita ko nga close daw kayo agad" -Ielle
"Naku baka magkadevelopan kayo nyan, ayiee! Lalovelife na si Pam!!!" masayang masayang sabi ni Ace, luka talaga to kahit kelan
"Gagi! Lovelife ka dyan, di nga kami close nun tsaka.. di ko sya type nu!" di ko naman talaga type, nagwapuhan lang siguro ako. Pero di ko talaga type, di talaga!
"Wushu! Aminin na kasing type mo, nagdedeny ka pa" -Ielle. Kahit kelan talaga tong dalawa na to, ako laging trip pag wala si Kriz. Nasan na ba kasi yung babaitang yun? Di pumasok? Ano yun may hangover pa yung break-up?! Tss..
Bumaba na kami sa canteen para mag-lunch
"Kakain ka ba Pam?" tanong ni Ace, kami lang tatlo dito ngayon kasi si Marc nandun kasama nila Mich, si Keish naman umuwi ng maaga may LBM daw. Si Jessica at Eunice naman nasa room ayaw bumaba, busy sa pagawa ng project. Sila na masipag!
Tinanguan ko lang si Ace, tapos ayun bumili na kami
"Grabe kawawa yung manok sayo Ace!!!" sabi ko, grabe naman kasi yung ginawa dun sa chicken nya. Buto na lang natira, di na naawa hahahaha!
"Huh? Bakit? Patay naman na to aa.." sabi naman nya
"Grabe ka naman kasi kumain, parang gutom na gutom ka. Halos pati buto sinasaid mo na" -Ielle
"Sorry naman, konti naman kasi laman netong chicken na to!" sabi nya tapos binalibag pa sa plato, wala talagang awa tsk tsk tsk!
Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa room, chineck ko ulit yung phone ko baka nagreply na si Keith
From Keith:
Sorry hindi ako makakapunta, birthday pala kasi ng mama ko
Ugg! Bakit ngayon pa?! Nasabi ko na kay Alex eh! Baka sabihin pa nun nagloloko lang ako!!!
To Keith:
Ok
Papunta na ako kay Alex, habang naglalakad ako nakasalubong ko si Ace tapos sumama na sya sakin papuntang canteen
"Ayun si Alex o! Malapit kila lande" si Aeshley yung tinutukoy nya. Lumapit kami dun
"For you Aesh, ano ang major turn on and off sa boys? Hmm..?" tanong ni Alsen kay Aeshley
"For me, hmm.. major turn off is yung guy na kadiri sa katawan and the major turn on naman is yung guy na may sense of humor. Hihihi!" sabi ni Lande (Aeshley)
Sorry na. Masyado bang mapanghusga yung tawag namin? Sinasabi lang naman namin yung totoo e, di naman siguro masama kung i-describe ang pagkatao nya diba? Hehehe!
"Ano yun ilaw lang? May switch? Turn on and off? Hahahahaha!!!" sabi ni Ace habang tawa ng tawa. Adik talaga to, lakas ng trip
"GRR!!! Such an epal!!! Err.. Let's go girls!!!" sabi ni Lande tapos tumayo na sila, almost 12 sila. Ano to female version ng Super Junior? Tss. SuJu Flirt Version? Joke!