Kabanata sip (chapter 10)

797 12 1
                                    

Kabanata sip

It will blossom at the right time…

You don’t need to force it… You simply need to wait…

Everything has its own season under heaven.

October 30, 2005 (Sunday)

Nauna akong umuwi sa Pilipinas, nagpaiwan pa don si Gilan para daw asikasuhin yung sa ojt nya. Civil Engineering yung course ni Gilan, he is turning 5th year next academic year. Sa Thailand nya piniling mag-OJT, hindi ko alam kung bakit. Basta yun ang gusto nya. Hindi ko na tinanong.

Parang ang tagal nung byahe ko ngayon pabalik, I don’t know why. Boring. I went to the CR, pagbalik ko sa seat ko nakita ko si…

Gio???

Oh… George…

Galing ka rin palang Thailand?

Ah… oo eh… ^_^

Sayang! Di man lang tayo nagkita sa Thailand… ah… nag-ano ka nga pala don?

Ammm… may sinundan lang ako…

Sinundan?

Uhum. ^_^Ah… si Megan siguro.

Coincidence nga naman. Same flight pa kami ni Gio pauwi. Sayang nga lang, hindi na kami nakapag-usap masyado sa eroplano kasi magkalayo yung seats namin.

Nung bumaba naman sa NAIA, ewan ko ba… nawala na lang sya, di ko na nalaman kung san sya pumunta. Masyado kasi akong natuwa dun sa pag-welcome nina Papu sakin. Para kong balik-bayan samantalang ilang days lang naman ako sa Thailand. With matching balloons pa and flowers. Hahaha’ Hawak-hawak ni Papu yung cake na may 18 candles. Hawak nina P’X at P’C yung streamer na may nakalagay na “happy 18th birthday Georgeenha! Welcome back home.” Si P’S yung may dala nung camera. Nakay P’K yung 18 roses at nasa sisterets ko namang sina Toni at Gab yung mga pink balloons. WOW! Ang bongga naman ng pag-welcome nila… buti pinapasok sila sa airport. Hahahaha’ Ang gulo namin sa sasakyan pauwi. Na-miss ko silang lahat. Before kami umuwi sa house, kumain muna kami sa Asian Restaurant sa Manila, hindi na daw kasi sila nakapagluto sa bahay sa sobrang excited nilang salubungin ako sa airport. Ang sayang mabuhay ng meron kang pamilyang tulad nila. Thank you Lord for giving me the best family in the whole wide world! ^_^

Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay, tumakbo ako agad sa kwarto ko… naalala ko kasi bigla yung Kra Cheaw. Naku! Lagot na! but guess what… buhay pa rin at may bulaklak na. Wew! ^_^

Ang love parang wildflower… hindi mo kelangan pilitin, hindi mo kelangan lunudin sa dilig o ibilad sa araw… kelangan mo lang hayaan at hintayin… kasi sa tamang panahon, kusa na lang itong lalago at mamumukadkad…

…………………..

Semestral break is over, back to business na ulit kami. Busy na ulit sa mga school work and activity. Tambak na naman ang trabaho sa student council. Nagsisimula na rin kaming mag-prepare para sa foundation week ng school, sa February pa yun, pero kelangan ng mag-prepare ng maaga kasi maraming kelangan ihanda. Ika-60th Foundation day na kasi ng University namin kaya dapat bongga. Kelangan ko na ring mag-review kasi next na non yung Super Quiz bee. Maglalaban-laban don lahat ng mga University sa South. Ang hirap pagsabayin! Madalas pang wala sa school sina Gio at P’X ngayon kasi nag-oOJT na sila. Hayyy… nakakabaliw! Hindi naman nila kami pinapabayaan, ginagawa pa rin naman nila yung trabaho nila, yun nga lang minsan, nahihiya na kaming abalahin sila kasi nga hassle na masyado yung on-job-training nila, ayaw na naming makadagdag. Kaming mga naiwan dito sa school yung bugbog sa trabaho ngayon, nakakaawa nga yung secretary namin eh, buti na lang hindi sya nagrereklamo.

He is my StalkerWhere stories live. Discover now