COPYRIGHT INFRINGEMENT IS A CRIME. Any form of copying, reproducing, or distributing this story without the author/writer's consent is against the law and is therefore punishable.
Overly Attached
a novel by:
The8thWorldWonder
(Shiela Marie Fernando)All Rights Reserved. 2014.
----------------
DEFINE OVERLY ATTACHED
Every girl wants that kind of boyfriend who would treat her as a Princess, as someone who is so goddamn precious like a diamond and as if no other woman can be compared to her.
Lahat naman ng babae sa mundo, ang gusto ay ‘yong lalaking walang ibang alam gawin kundi ang mahalin siya. Aminin mo na – isa ka rin sa mga babaeng tinutukoy ko.
Pero kung babae ka, gugustuhin mo bang magkaroon ng isang overly attached boyfriend?
For others, yes. And for some, no.
Don’t get me wrong. Being obsessed is way different from being overly attached. How and why? Here’s the thing;
Obsessed – kung obsessed sa’yo ang boyfriend mo, he would do things that you ask him to do para lang maipakita na siya lang ang lalaking deserving sa pagmamahal mo. (E.g. Utusan mo siyang kumain ng isang libong siling labuyo, gagawin niya. Pero sa ika-isang daang labuyo niya, patitigilin mo na siya dahil naaawa ka na sa sobrang pula ng mukha niya. Pero kunwari, itutuloy pa din niya kasi nga, kailangan niyang may mapatunayan sa’yo. Sasabihin mo na tama na, okay na, naniniwala na siyang mahal mo talaga siya. In the end, titigil siya kasi sinabi mo. In short, masunurin ang mga taong obsessed sa’yo.)
Overly Attached – kung overly attached naman sa’yo ang boyfriend mo, he would do things he wants to do whether you ask for it or not para lang maipakita kung gaano ka niya kamahal. (E.g. Mag-lalagay siya ng picture ninyong dalawa na sweet na sweet sa isa’t-isa sa side table ng higaan niya. Sa una, you’ll find it sweet. Malalaman niyang kinikilig ka dito kaya ang gagawin niya, mag-lalagay na din siya no’n sa dashboard ng kotse niya. At ito ang malupit. Magugulat ka na lang na mayroon na siyang picture ninyo na naka-frame sa desk ng upuan niya sa classroom niyo. At huwag ka! Ang nakalagay pa na caption sa frame ay: “IkHaWw LhUngG SxZapFhat NuAhH.”)
Oh, ngayon alam mo na ang pinagka-iba ng obsessed at overly attached.
Pero… Paano mo nga ba matutukoy kung masyado nang attached sa’yo ang boyfriend mo?
Well, may level naman na ma-i-coconsider before mo masabing OVERLY ATTACHED na sa iyo ang isang tao.
LEVEL 1. (Standard Paranoia)
1. He scans or goes through all your things (in short, paranoid).
Example: Hindi ligtas sa kanya ang cellphone mo – Inbox, Sent Items, Folders, Gallery, Contacts, maging ang mga Names ng naka-high score sa games sa cellphone mo, walang takas sa kanya.
2. He gives meaning to everything you do/did (even if they were decades ago).
Example: He found your drawing book when you were in kindergarten. He saw your drawing – two stick figures, a boy and a girl, holding hands. Tatanungin ka niya ng: Who the fck is this stick figure you’re holding hands with?! Why don’t you love me like you love him?!. In the end, mag-ddrawing din siya ng stick figure ninyong dalawa sa loob ng isang malaking heart.
LEVEL 2. (Supreme Paranoia)
1. He wouldn’t let you have a time alone with another guy (even with your Dad).
Example: No examples needed. The sentence itself is understandable.
2. He would freak out when you don’t answer his call in five minutes (not to mention the 30 missed calls within those minutes).
Example: Again, the sentence itself could stand alone.
LEVEL 3. (Standard Obsession)
1. He wants you beside him, wherever and whenever (no matter what time of the day it is).
Example: It’s 12 midnight, nanunuod kayo ng 50 First Dates when he suddenly felt the ‘call of nature’. Gusto niyang samahan mo siya dahil natatakot siya na baka ma-develop ang feelings mo kay Adam Sandler at isipin mong mas hot ito kesa sa kanya (which is true, indeed).
2. He would say you’re always in his heart (although you can’t be there in any way).
Example: He will get his left chest a tattoo. ‘Yung mukha mo tapos may pangalan mo pa. Tapos ipapakita pa niya ‘yon sa bawat taong nakakasalubong niya sa daan tapos sasabihing “She’s mine. Only mine. Nakakulong na siya sa puso ko.”
LEVEL 4. (Supreme Obsession)
1. He says he dreams of you every time he sleeps (when in fact, he even stays awake daydreaming about you two).
Example: Nagpa-customize siya ng unan ninyong dalawa. It’s sweet. Kung pangalan niyo lang ang nakalagay. Pero sweet pa din ba kung naka-print na ang mismong mukha niya sa pillowcase tapos may bubble pa na nagsasabing “Dreaming of You”? I guess, no.
2. He would collect his tears inside a jar (as if tears are considered ‘collectibles’)
Example: Sampung beses mo na siyang pinaiyak at nakipag-break ka sa kanya sa hindi niya maintindihang dahilan. Iipunin niya ang mga luha niya sa loob ng isang jar at ipapakita niya iyon sa’yo. You will feel your conscience debating in your head. Pero lalo ka lang maiinis kapag nabasa mo ang note niya na nagsasabing “There’s a drum in my bathroom full of tears. Do you want to see that?” (As if mapupuno ng luha niya ang isang drum. ‘Yong isang jar nga, imposible na. Drum pa kaya?! Tubig lang ‘yon na pang-ligo niya, ‘te!)
LEVEL 5. (Overly Attached)
1. He would make you his whole world (and he expects you’ll do the same with him).
Example: Itinuturing ka niyang langit, lupa, tubig, apoy, at kung anu-ano pang matatagpuan mo sa mundo. Ikaw naman, in return, you’ll treat him as someone you love, as your boyfriend. Nothing more, nothing less. But for him, hindi iyon sapat. Iisipin niyang hindi mo siya mahal because you can’t reciprocate the things he do to you. Naniniwala kasi siya sa kasabihang “The more you give, the more you receive.” Kaya iniisip niya, kung ikaw ang mundo niya, dapat siya ang universe mo.
2. He will commit suicide (when you broke up with him).
Example: Nakipag-break ka sa kanya dahil masyado na siyang attached sa’yo. Mas gugustuhin pa niyang mamatay na lang kesa ang iwanan mo siya. Naniniwala din kasi siya na ang pagkawala mo sa buhay niya ay para na ring pagkawala ng buhay niya dahil ikaw nga mismo ang buhay niya.
So, ano? Nasa isa sa mga levels na ba na ‘yan ang boyfriend mo?
BINABASA MO ANG
Overly Attached
General FictionEvery girl wants that kind of boyfriend who would treat her as a Princess, as someone who is so goddamn precious like a diamond and as if no other woman can be compared to her. Lahat naman ng babae sa mundo, ang gusto ay ‘yong lalaking walang ibang...