CHAPTER 3
“Wala man akong pag-aari, pangako ko habang buhay kitang pagsisilbihan… Oh aking Prinsesa!… Ahh—”
*BOGSH!*
Biglang nasira ang momentum ng pag-kanta ko nang marinig ko ang kalabog na iyon. Dali-dali akong lumabas ng room at nag-tungo kung saan ko narinig ang malakas na pag-bagsak, ngunit wala naman akong ni-kahit na anong nakita doon.
I scratched the back of my head and decided that it might have been just my imagination. Napa-iling na lang ako.
Unang hakbang ko pa lang pabalik ng room ay may isang bagay akong hindi inaasahang matapakan. Iniangat ko ang paa ko at saka yumuko ng bahagya upang tingnan kung ano iyon.
My brows furrowed in an instant. I grabbed the broken wristwatch on the floor. Basag na ang salamin nito at maging ang mga kamay ng relo ay hindi na gumagana.
Kanino ba ‘to?
The wristwatch was obviously broken even before I stepped on it. Hindi naman kasi ako nakarinig ng pag-crack noon. Naramdaman ko na lang basta na may natapakan ako.
Hindi kasi nag-iingat. Tss.
Bumalik ako sa classroom at saka inayos ang gitara ko pabalik sa lalagyan nito. I decided I should just go home. Ako na lang kasi mag-isa ang naiwan sa class room namin noong mga oras na iyon. Lahat ng estudyante ay nasa gym para sa activity period na inihanda ng kani-kanilang organizations. Pinili kong maiwan na lang dahil wala naman akong sinalihan na org this year. Isa pa, aksaya lang naman iyon ng oras. But yeah, in all honesty, wala naman rin kasing nag-alok sa’kin na sumali sa org nila ngayong taon.
Ibang-iba na ang tingin sa akin ng mga estudyante ng Pearl Mount ngayon kung ikukumpara noong unang mga taon na nag-aaral ako rito. Kung dati ay nag-uunahan sila para maki-salo sa table ko tuwing lunch, ngayon ay halos wala na akong ma-pwestuhan dahil wala ni-isa ang may gustong makasama ako sa isang table. Kung noon ay nasa akin ang atensiyon nila sa tuwing papasok ako ng room dahil naipanalo ko ang game, ngayon ay nasa akin pa rin naman ang atensiyon nila—ngunit iyon ay dahil na lang sa naipatalo ko ang championship game.
Nang unang taon ko sa Pearl Mount ay marami agad ang nag-hikayat sa akin na sumali sa basketball team nito. Dahil na rin iyon sa background ko noong high school ako. Hindi na ako nagpa-liguy-ligoy pa at walang anu-ano’y sumali ako rito. Isa na sa dahilan ay ang mga benefits na makukuha ko rito. Hindi naman kami mahirap, ngunit hindi din mayaman. Sapat lang ang kinikita ni Daddy para mapag-aral kami ni Ate Gab. Kaya magiging malaking tungkol ang pag-sali ko rito dahil isa sa mga benefits nito ay ang pagiging scholar ko dahil isa nga ako sa mga athletes ng school.
I was the star player of our basketball team for almost two years. Not until I missed the supposed to be winning shot last year.
“Twenty-five seconds remaining to claim the title! Now, guys, I need full cooperation!” sigaw ni coach sa aming lahat. Ramdam ko ang tension na namumuo sa lahat ng team members ko at maging ang sa akin na rin. “Aquino, pass the ball to Miranda right away! Castro, guard Perez and don’t let him get on Miranda’s way.”
Nang tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang time-out ay muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Tumingala ako upang tingnan ang score na naka-display doon sa malaking screen. 76-75. Lamang sila ng isa. 2 points. 2 points lang ang kailangan para maipanalo namin ang laban na ito. I inhaled deeply and prayed to God to give me this win—to let our team claim its first ever championship in the College Basketball League.
My teammates tapped me on the shoulder and wished me luck. I did the same for them.
Sa amin ang bola at hawak iyon ni Aquino. Calixto was blocking me kaya medyo nahirapan siyang ipasa sa akin ang bola. I nodded at Aquino once at saka umusog ng bahagya sa pakanan. Kung gaano kabilis niya naipasa sa akin ang bola ay ganoon din kabilis akong naharanganan ni Perez.
BINABASA MO ANG
Overly Attached
General FictionEvery girl wants that kind of boyfriend who would treat her as a Princess, as someone who is so goddamn precious like a diamond and as if no other woman can be compared to her. Lahat naman ng babae sa mundo, ang gusto ay ‘yong lalaking walang ibang...