CHAPTER 1
Pag-tapak na pag-tapak ko pa lamang sa gate ng Pearl Mount College ay rinig na rinig ko na ang malakas na tugtog ng tambol na nanggagaling sa loob ng gymnasium. Hindi na bago sa akin ang makarinig ng ganitong ingay simula pa noong isang linggo dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na gaganapin na sa susunod na Linggo ang Cheerdance Competition ng mga Colleges dito sa Alta Vista.
Para sa nakararami, isang malaking bagay para sa PMC ang manalo sa competition na iyon dahil isang paraan iyon upang lalong makilala ang school namin. Ngunit kung gaano kahalaga iyon para sa kanila ay ganoon rin naman ang pag-babalewala ko rito.
Sabagay, wala rin naman kasi akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko. Ang mahalaga ay nag-aaral ako at pumapasa sa mga subjects ko.
“Gil, saan ka pupunta?” tanong ni Shaunn nang maka-salubong ko siya sa daan.
“Sa room? Kasi may klase ako?” sarkastikong tugon ko.
He gave me that look of a frustrated teenage guy.
“Ano?”
“Walang klase ngayon. May pep rally!”
“I wasn’t informed,” sagot ko nang naka-kunot ang noo.
“Ngayon pinaalam ko na sa’yo. Tara na sa gym.”
Nag-lakad siya paalis habang ako naman ay nag-lakad pabalik sa gate para sana umuwi na. Ngunit mabilis naman akong nahabol ni Shaunn.
“Hoy! Saan ka pupunta?”
“Uuwi na.”
“Bakit? Wala kang balak manuod? Mag-pe-perform daw ang cheerdancers ngayon. Parang teaser daw sa performance nila this coming Saturday.”
“I’m not interested. Ikaw na lang.” Akmang aalis na sana ako ngunit bigla naman niya akong inakbayan at hinila-hila palayo sa gate.
“Ang bading mo!”
Napa-piglas naman ako nang sabihin niya iyon. “Sa laki kong ‘to, sasabihan mo akong bading?!”
“Hindi sa tangkad o laki ng katatawan nasusukat ang pagiging bading ng isang tao, Gil.”
“Psh. Tigilan mo nga ako, Shaunn.”
“Bitter ka lang, e.”
“Sino’ng bitter!? At bakit naman ako magiging bitter?”
“Kasi ‘yung mga babae do’n, nakakapag-suot ng maiikling palda. Ikaw, hindi.”
“Ugok!” sabi ko sabay batok sa kanya. “Uuwi na ako. Bahala ka d’yan.”
“Tanga! Bitter ka kasi nando’n si Cara at ayaw mong makita siyang masaya na wala ka sa buhay niya!”
Humarap ako sa kanya at saka padabog na nag-lakad papuntang gym. That was foul, yes. Kung hindi lang ibang tao si Shaunn ay malamang nasa Discipline Office na ako ngayon dahil baka napatay ko na siya.
Si Cara ang ex-girlfriend ko. First year college nang una ko siyang makilala. Member pa ako ng basketball team ng Pearl Mount noon at siya naman ang cheerleader. The usual couple, ika nga nila. Isang taon rin ang tinagal ng relationship namin ngunit gaya nga ng sabi ng iba, walang forever. Hindi rin naman kasi ako naniniwala d’yan sa bullshit na salitang ‘yan. Kalokohan lang ang forever. We broke up because she believed I was a mess.
Pero isang taon na rin ang nakalipas at sigurado akong naka-move on na ako. Wala na akong nararamdaman sa kanya bukod sa galit. Galit na nanggaling sa mga salitang sinabi niya sa akin nang hiwalayan niya ako. And forgiveness was never included in my dictionary.
BINABASA MO ANG
Overly Attached
Ficción GeneralEvery girl wants that kind of boyfriend who would treat her as a Princess, as someone who is so goddamn precious like a diamond and as if no other woman can be compared to her. Lahat naman ng babae sa mundo, ang gusto ay ‘yong lalaking walang ibang...