CHAPTER 4
“Shaunn.”
Gulat ang bumakas sa mukha ni Shaunn nang tawagin ko ang pangalan niya at hawakan ang kanyang balikat.
“Grabe ka naman, Gillian. Bakit ka ba nang-gugulat d’yan?” tanong niya na nakahawak pa sa kanyang dibdib.
Tss. Bading.
“Ginulat ba kita? Tinawag ko lang naman ang pangalan mo.”
“You called my name out of nowhere. Bigla kang sumusulpot. Para kang multo.”
“Naniniwala ka pa sa multo sa tanda mong ‘yan?”
“Hindi lang naman mga bata ang may karapatang matakot sa multo. Tss.” Tumayo siya mula sa upuan niya at saka humarap sa akin. “Ano’ng kailangan mo?”
“Ang sungit mo. Para kang babaeng nireregla.”
“Akala mo naman hindi siya masungit,” anas niya. “Ano na ngang kailangan mo?”
“’Di ba, gumagawa ng mga sirang relo ang Tito mo?” tanong ko at saka nilabas ang wristwatch ni Erica mula sa bag ko. Ipinakita ko iyon kay Renzo at bakas sa mukha niya ang pagtataka.
“Kanino ‘yan?” Kinuha niya sa akin ang relo at saka ineksamin iyon. “Pambabae ‘to, ah?”
“Akin na,” saad ko at saka inagaw sa kanya ang relo.
“Kanino ‘yan, ha? Yieee!” pang-aasar niya pa. “May pinalit ka na ba kay Cara? Bakit sira ‘yan? Nasira ba noong nag-lalampuchingan kayo?”
Nanlaki ang mga mata ko. “Ano’ng naglalampu—ay p*ta, saan mo nalaman ‘yong salitang ‘yon!? Nababading ka na ba talaga!?”
“Iniiba mo lang ang usapan, e.” Lumapit siya sa akin at saka ako inakbayan. “So, saan naganap? Sa pula at dilaw ba na may babaeng naka-sign ng shhh?”
Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at saka siya kinotongan ng mahina. “Tumigil ka nga. Sagutin mo na lang ‘yong tanong ko.”
“Oo. Ipapagawa mo ‘yan? Akin na,” sabi niya at saka sinubukang muling agawin mula sa akin ang relo.
“Libre na ba?”
“Ano’ng libre? Sa panahon ngayon, maski pag-utot mo, may tax na.”
Sinamaan ko siya ng tingin at saka ako nag-cross arms. Napakamot naman siya ng ulo at saka ngumuso na akala mo’y babae siya.
“Oo na, oo na. Akin na.”
“Oh,” saad ko at saka inilagay sa kanina pang naghihintay na palad niya ang wristwatch ni Erica. “Siguraduhin mo lang na maaayos ‘yan, ah.”
“Libre na nga lang, demanding pa,” mahinang reklamo niya wari at saka nag-lakad papunta sa harapan ng room.
Ilang sandali lang ay pumasok na rin ang professor namin sa Communication Arts 2. Nag-simula agad siya nang lessons kahit na iilan pa lang kami sa klase. Lumipas ang isang oras na daldal lang siya nang daldal doon sa harap hanggang sa mag-announce siya ng isang importanteng bagay raw para makapasa kami sa subject niya.
“Since this is a communication subject, I will be giving you an activity,” Miss Maui declared. Hindi pa man niya sinasabi kung ano ang magiging activity ay sari-saring ingay na ang puma-ibabaw sa room.
“Ma’am, huwag naaaa!” hirit ng iba.
Nakisali rin si Shaunn na nag-sabing, “Ma’am, kakanta na lang ako para wala nang activity!”
“Shaunn! Tumigil ka!” hirit ni Shane. “Ma’am, mag-activity na lang tayo. Huwag niyo lang pong pa-kantahin si Shaunn! Oh, God!”
Nag-tawanan ang buong klase dahil sa sinabing iyon ni Carla. Miss Maui motioned the class to stop and pay her attention.
BINABASA MO ANG
Overly Attached
General FictionEvery girl wants that kind of boyfriend who would treat her as a Princess, as someone who is so goddamn precious like a diamond and as if no other woman can be compared to her. Lahat naman ng babae sa mundo, ang gusto ay ‘yong lalaking walang ibang...