PROLOGUE
Sabi ng mga kaibigan ko, obsessed na daw ako kay Erica. Sabi naman ng iba, overly attached ako. Hindi ko sila naiintindihan dahil halos pareho lang naman ata ang ibig-sabihin ng dalawa. Pero basta ang alam ko lang, nagmamahal ako.
Masama bang mag-celebrate ng daysary at weeksary? Eh, kung tine-treasure ko lang naman ang magagandang memories namin araw-araw at linggu-linggo. Kailangan pa bang maghintay ng isang buwan o taon bago mag-celebrate? Sus. Kalokohan. Parang ganito lang ‘yan, eh – Every day is Christmas Day! ‘Yan naman talaga dapat ang motto ng mga taong in love!
Sabi pa nila, hindi na daw sweet ‘yong minu-minuto kong pagche-check kung ano’ng ginagawa ni Erica. Psh! Concern lang naman ako na baka mapagod siya kung may ginagawa siyang mabigat. Ang sweet kaya no’n! Palibhasa mga bitter ang nagsasabing hindi.
Tapos masama din daw ‘yong pinagbabawalan kong makipag-usap si Erica sa mga lalaki. Eh lalaki din ako, alam ko ang mga galawan niyang mga ‘yan. Sa ganda ba naman ng girlfriend ko, hindi nila maiisipang pormahan kahit may boyfriend na ‘yong tao?! Mga abangers ang tawag d’yan! ‘Yong iba d’yan kunwari, makikipag-kaibigan pa. Pero kapag nagkaroon na kami ng away ni Erica, akala mo mga demonyong bulong nang bulong kay Erica na iwanan na ako. Mga impakto!
Eto pa matindi. Nakakairita daw ‘yong picture naming naka-frame at naka-pako do’n sa upuan ko sa room. Jusko naman! Malamang school ‘yon. Kailangan ko ng inspiration sa pag-aaral, ‘no! Mga bitter kasi at inggit. Eh ‘di kung ang mga magulang nila ang inspiration nila, maglagay din sana sila ng picture frame nila do’n na may family picture! Mga walang isip. Tss!
Minsan, ang hirap na ding intindihin ng mga babae. Hindi pala minsan – palagi pala. Kapag hindi ka sweet, magtatampo. Kapag naman masyado kang sweet, naiirita. Akala mo palaging may bisitang kulay pula, e. Napakagulo. Hay, nako.
Basta ang alam ko, nagmamahal lang ako. Hindi ako obsessed o overly attached. I am in love with Erica Pauline Lim. Period. No erase. Ang kumontra, magiging forever alone. Hindi ako nagbibiro. Marami akong kilalang may magic powers na puwedeng tumupad sa sinabi ko. Forever alone. Magiging forever alone ka. Gusto mo ba ‘yon? Ngayon, wish us a happy ending story dahil kung hindi… alam mo na.
BINABASA MO ANG
Overly Attached
General FictionEvery girl wants that kind of boyfriend who would treat her as a Princess, as someone who is so goddamn precious like a diamond and as if no other woman can be compared to her. Lahat naman ng babae sa mundo, ang gusto ay ‘yong lalaking walang ibang...