CHAPTER 2
Halos araw-araw ay nakaka-salubong ko ang dating cheer dancer na iyon sa tuwing siya ay umaakyat ng hagdan at ako naman ay pababa. Hindi ko na inulit pang tulungan siya dahil alam kong ayaw niyang gawin ko iyon.
Minsan noong nagka-salubong kami ulit ay tumigil siya sa mismong harap ko. She wasn’t looking at me. Instead, her face was bowed down on the stairs. She was still wearing casts on her left leg and arm. Ang buhok niya ay naka-tali sa isang bun na sobrang taas.
Hinintay ko kung may sasabihin siya sa akin ngunit ilang minuto na rin ang lumipas na tila bato lang siya sa kinatatayuan niya. Nag-hintay pa ako ng ilang sandali hanggang sa ipagpa-tuloy niya ang pag-akyat niya ng hagdan hanggang sa malagpasan niya ako.
That was weird, I thought.
Napa-iling na lang ako at nagpa-tuloy na rin sa pagbaba nang hagdan ngunit natigilan ako nang mag-salita siya.
“Salamat,” rinig kong aniya. Kahit na sobrang hina ng boses niya na tipong halos bulong lang sa hangin ay nagawa ko pa ring marinig iyon.
Her voice was soft and sweet and it brought a warming feeling in me. Hindi ko alam kung ano’ng naramdaman ko ng mga oras na iyon ngunit bigla ko na lang nakita ang sarili kong repleksiyon sa salamin na abot-tainga ang ngiti.
“Hoy. Ano’ng ngini-ngiti-ngiti mo d’yan!?”
Natauhan akong bigla nang marinig ko ang boses ng nakatatandang kapatid ko na si Gabrielle. Hindi na rin ako nagulat sa biglaang pag-pasok niya sa kwarto ko dahil bata pa lang kami ay gawain na niya iyon.
“Mukhang inlababo na naman ang baby brother ko, ah?” pang-aasar niya at saka patalon na humiga sa kama ko.
“Kapag naka-ngiti, in love na agad?”
“Hindi. Pwede rin namang baliw ka lang talaga.”
Tinignan ko siya ng masama ngunit ginantihan naman niya ako agad gamit ang unan kong ibinato niya sa akin.
“Pero mas gusto kong sabihin na inlababo ka kesa naman baliw. Given na kasi ‘yong baliw ka, eh,” tukso pa niya.
“Kanino pa ba ako mag-mamana, ‘di ba? Syempre sa ate kong mas baliw,” balik ko sa kanya at saka hinagis ang unan sa kama ko.
“So, tell me. Who’s this new girl?”
“New girl? Nah. Wala.”
“So, old girl?” sarkastikong tugon niya. “Si Cara pa din?”
“Sira. Wala. Matulog ka na nga. Gabi na, nambubulabog ka pa.”
“Hindi ako makatulog, eh. Naramdaman ko kasing may dapat kang i-kwento sa akin.”
“Baka ikaw ang may dapat i-kwento sa akin?” balik kong tanong sa kanya.
Isang malaking ngiti naman ang iginawad niya sa akin. Animo’y hindi maitago ang kilig na nararamdaman niya. I knew it.
“Sinagot mo na siya?”
She nodded, still wearing the same smile. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Ate Gab na hindi na rin niya itinangkang itago pa.
“Kailan?!” galak na tanong ko.
“Kanina.”
“Sabi mo dapat kasama ako kapag sinagot mo siya!? Ang daya mo naman!” wari’y tampong saad ko at saka marahan na hinagis sa kanya ang isang unan. “Alam na ba nila Mom?”
She bit her lower lip and nodded slowly. “Late ka na kasing umuwi. Hayaan mo, kapag engage na kami, hindi ka mawawala.”
Pinandilatan ko siya at saka hinagisan muli ng unan. “Ano’ng engage!? Kaka-sagot mo lang sa kanya, kasal na agad!? Hindi ako papayag.”
BINABASA MO ANG
Overly Attached
Narrativa generaleEvery girl wants that kind of boyfriend who would treat her as a Princess, as someone who is so goddamn precious like a diamond and as if no other woman can be compared to her. Lahat naman ng babae sa mundo, ang gusto ay ‘yong lalaking walang ibang...