//1//

8 0 0
                                    


  " Oh ano? Napanaginipan mo na naman sya?" Tanong ng bestfriend kong si Aly, malamang ay napansin nyang kanina pa ako nakatitig lang sa pagkain na nasa aking harapan. 

 Oo alam ni Aly lahat. Simula nang malaman ko na hindi lang ito ordinaryong panaginip, ikinwento ko sa kanya lahat-lahat. Pero maging siya ay hindi alam kung anong dapat kong gawin. 

 "Oo. Pang-limang beses na ito. Anong gagawin ko girl?" dismayadong tanong ko sa kanya. 

Nagsimula ito noong umuwi kami ni Aly nang nag-overnight sa isang beach resort. At noong kinagabihan nun ang simula ng panaginip ko.  

 Gabing malamig, napakaraming bituin sa langit. Nakaupo ako sa puting buhangin at nasa harapan ko ang malawak na karagatan. Ang hampas ng mga alon lamang ang maririnig mo dito, pero masaya ako. Nakangiti ako na tila ba merong hinihintay. 

 Napapigil-hininga ako nang may maiinit na braso ang yumakap sa akin mula sa aking likuran.Halos umabot sa aking tenga ang aking ngiti. Humarap ako sa kanya ngunit tumakbo sya papalayo at masaya kaming naghabulan sa malinis na buhangin ng beach na ito. 

Tandang-tanda ko pa iyong panaginip ko na yan. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.Kahit kaylan hindi pumasok sa isip ko ang pakikipagrelasyon. Oo NBSB ako kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng boyfriend. 

Pero sa panaginip na yon, parang ang tagal na naming dalawa at parang kilalang kilala na namin ang isa't-isa.

 "Alam mo may nasearch ako tungkol dyan" tanong ni Aly habang may lamang fries ang bibig. Ang baboy talaga.

"Oh anong sabi?"

 "Wag kang mabibigla ha?" pagbabanta nito. 

"Hindi ako mabibigla kung di naman yan kabigla-bigla" sagot ko 

"Ang sabi kasi sa nabasa ko, baka yung tao na yun ay naging parte ng past life mo. Ibig sabihin...." huminto ito sa pagnguya at tsaka uminom ng iced tea bago tumingin saken. 

  

"Baka naging jowa mo yan noon girl. Waaaah may jowa ka na bes" kinikilig nitong pang-aasar saken. 

 "Eww eww no way! Jowa? Yuck ang pangit ng term mo. At tsaka duuuh?! Alam mo naman diba noon pa na hindi ako naniniwala dyan sa past life past life na yan. Fake news yan eww yakk"

"Ay ikaw? Bat ba parang diring diri ka? Besh, mag i-18 ka na wala ka pa ring boyfriend! Malay mo sya na yun, gwapo ba ha?" tanong nito. 

 At tsaka ko inisip muli ang mukha ng lalaking nasa panaginip ko.Matangkad, medyo katamtaman ang laki ng katawan, maputi, matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Medyo kahawig ni Jong Suk mga besh.

 "Ewan? Medyo?" ang tanging nasagot ko. 

 "Hayyss. Wala ka bang balak hanapin yung tao na yun?" kinuha ni Aly ang kaniyang cellphone at nagscroll sa something. 

 "Bat ko naman sya hahanapin? Magmu-" napahinto ako nang makita ko yung bata na may dalang stufftoy. 

 Sa panaginip ko kagabi, papunta kaming dalawa sa fastfood chain na to, at dala-dala ko ang stufftoy na iyon na nakuha namin sa machine kanina. At yung bata na yun, her dress, her hair, her smile nung binigay namin sa kanya yung stufftoy na yun dahil umiiyak sya.... Parehong pareho sa panaginip ko kagabi. 

 "O-oy san ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Aly nang makita nyang papaalis ako. Hindi ko na ito pinansin dahil di ko mapigilan ang paa ko. 

Feeling ko kusa itong humahakbang papunta sa bata na ngayon ay nakaupo sa isang table at naghihintay sa kaniyang mommy na nasa cashier.Nakita niya ako at ngumiti ito sakin. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. 

Parang kinakabahan ako habang palapit ako ng palapit sa kaniya.I smiled back at her at umupo ako sa tabi niya.

 "Ate san na po yung kasama nyo?" tanong nito na sobrang ikinataka ko. 

"H-ha? Si Aly?" "Hindi po. Si kuya po, yung kasama nyo kanina magbigay sakin ng stufftoy na to." nakangiting sagot nito. 

 Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Wala akong ibang kasama kanina kundi si Aly lang,at wala akong hawak na stufftoy kanina pa. Pakiramdam ko minamaligno na ako. Creepy. Pero bakit parang nangyayari sa totoong buhay yung mga napapanaginipan ko? 

 "A-alam mo ba yung p-pangalan niya?" umaasa ako na sana kahit pangalan man lang niya ay malaman ko. 

 "Hindi po eh. Di ba po kayo yung magkasama? Diyan pa nga po kayo sa tabi ng table namin nakapwesto eh. Nagulat nga po ako pagbalik ko sa cr wala na po kayo" Nilingon ko ang katabing table na tinuturo ng bata na ito. 

Halos hindi ako makahinga sa nakita ko.Ito yung pagkain na inorder namin sa panaginip ko. Parehong pareho. Parang mababaliw na ako sa nalalaman ko.

 "Ate ayon siya oh" lumingon ako sa nginunguso ng batang ito. 

 Siya nga. Gaya ng nasa panaginip ko, ganun din ang suot nito ngayon. Papalabas na siya ng fastfood chain, wala na akong paki kung magmumukha akong sira or feeling close kung kakausapin ko siya. Gusto ko lang siya makilala. 

 Halos takbuhin ko ang pintuan para lang mahabol siya pero nakalabas na ito at papunta sa isang nakapark na sasakyan. 

 "H-hey!" sigaw ko dahil alam kong di ko na siya maabutan. 

Napahinto ito pero hindi pa rin lumilingon sa akin ngunit tila hinahanap kung san nanggaling ang boses na tumawag sa kanya.Tatapikin ko na sana ang balikat niya nang biglang may tumapik din sa balikat ko.

 Lumingon ako dito at nakita ko si Aly na hingal na hingal. 

 "Hoy ano ba?! Kanina pa kita tinatawag. Para kang sira, sino ba yung hinahabol mo?" habol hininga nitong tanong na inikinataka ko. 

 "Nakita ko na sya." nakangiti kong tugon kay Aly atsaka lumingon sa harap pero laking gulat ko nang wala akong nakita na kahit sino sa harap ko maski ang itim na kotse ay wala na rin. 

"Ha? Sino? Nababaliw ka na yata eh. Kanina ka pa parang may hinahabol pero wala naman. Kain na nga tayo sa loob"

N-nahihibang na ba ako? Pero bakit parang totoo. Pakiramdam ko totoo. 

 

Fated DreamsWhere stories live. Discover now