//4//

0 0 0
                                    

"Rian..."

"Do I know you?" di ko alam kung anong nagtulak saken pero may something na nagfoforce sakin para yakapin siya.

Well siguro pagkakita ko pa lang sa kaniya lalo na nung tinitigan ko ang mga mata niya, isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

Ang lalaking laging nasa panaginip ko.

I wanna hug Rian, atleast by this, para ko na ring niyayakap ang pinsan niya. Well, di ko pa rin naman sure kung magpinsan nga sila haha.

Nagulat siya nang bigla ko siyang niyakap ng mahigpit pero agad din naman akong kumalas dahil baka pagsasampalin ako ng babae na to e.

"Miss, ano bang problema mo? Sino ka ba?" naiiritang tanong nito.

"Cupcake and Frappe?" nakangiti kong bigkas sa kaniya.

Bigla namang nagbago ang ekspreyon ng mukha niya at tila may inaalala.

"Cupcake?!" nakangiting sambit nito at ngayon ay siya na naman ang yumakap sakin ng mahigpit.

Nagsimula ang pagkakaibigan namin at ang tawagan na ito because of the cupcake and frappe sa cafe ng school.

Tuwing recess, sa cafe kaming dalawa dumidiretso at lagi kong ino-order ay cupcake habang siya naman ay frappe. Kaya ayun, nabuo ang tawagan naming yon.

Pero nagkahiwalay din kami pagtungtong ng grade 7. Kailangan ko kasing magtransfer sa university at napakabiglaan kaya hindi ako nakapagpaalam sa kanila. Magmula nun, wala na kaming communication ni Rian. Sad.

"Sorry di kita nakilala agad. Ang laki na kasi ng pinagbago mo eh" paliwanag ni Rian.

"Ano ba, okay lang yun. Ang totoo nga ikaw talaga ang sinadya namin dito eh."

Bigla namang sumulpot si Aly.

"Oy girl ano na? Lezgo na ang init kaya! O-oh?" pagkagulat nito nang makita si Rian. "R-rian?"

"Rian, si Aly nga pala.. Bestfriend ko" nakingiti kong sambit sa kaniya.

Iniabot ni Aly ang kamay nya pero tinitigan lamang ito ni Rian. Napansin kong biglang nagbago ang mood ni Rian.

"A-anong kailangan nyo sakin?" madiing tanong ni Rian.

"Alam mo kasi Rian ang hirap ipaliwanag, I-i mean... Hindi ko alam kung paano ipaliwanag" nakayuko kong sagot sa kaniya.

Ikinwento ko lahat kay Rian.

"So? Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo? Ano ba ang kailangan nyo sakin? Sorry ha, di ko kayo matutulungan" mariing sagot nito at akma ng tatalikod upang umalis.

"W-wait Rian. Kailangan ko lang malaman kung may pinsan kang medyo kamukha mo?" I forced myself to smile kahit na alam kong hindi na natutuwa si Rian.

"Oo..." she said. "Marami, pinsan ko nga diba? Pero sorry ha, hindi ko maisa-isa ang pangalan nila sayo. I guess nakatulong ako. Bye" she said while rolling her eyes on us at nagmamadaling umalis.

"Wow girl, ang bait nya pala noh? Sana naman hindi nya kasing bait yung pinsan nya. Ha-ha!" Aly said sarcastically.

"Bat ganun Aly? Parang may mali?" oo parang may mali.

Kilala ko si Rian, alam ko kung nagsasabi sya ng totoo o hindi. And now, I know where her words fell in. She's hiding something.

"S-sino ka ba talaga?!" mariing tanong ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Alam ko nananaginip lang ako. And finally, nagawa kong i-control ang panaginip na ito.

"Sorry ha, pero pagod nako. Ayoko na mamuhay sa isang panaginip na alam kong hindi naman magkakatotoo. Kung isa ka lamang imahinasyon, please... lubayan mo na ako! Wag mo na akong paasahin na totoong nangyayari to!"

Then he smiled. Naglakad ito papalapit sa akin and he hugged me.

"I love you. As you wish my love..."

"Oy girl, gising! Bat ka umiiyak?"

Aly's right. I'm crying. The heck! It's just a dream pero bat feeling ko totoo? Kelan ba mananahimik yung lalaking iyun sa panaginip ko.

After I ate my breakfast, I already prepared for school.

Fated DreamsWhere stories live. Discover now